Chapter 19

1 0 0
                                    

HANNAH MARIZA's P.O.V

Nagising ako dahil sa naririnig kong pamilyar na boses. Napakunot ang noo ko nang subukan kong buksan ang mata ko dahil sa sinag ng araw.

"Hannah?"

Dahil sa gulat ko nang marinig ang boses na iyon ay biglaan kong namulat ang mata ko.

Hindi ako makagalaw dahil sa mga taong nakikita ng mga mata ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang makikita ko pa silang muli.

"Mom? Dad?" Nagtatakang tanong ni ko dahil nasa harap ko ngayon ang mga magulang ko.

"Anak.." Malumanay na sabi ng mommy ko at niyakap niya ko.

Naguguluhan man ako pero agad ko ding niyakap pabalik ang mommy ko. Sabrang namiss ko ang yakap niya

"Lalabas po muna kami" rinig kong sabi ni Janette at lumabas sila nila Zack, Bryan at Hope.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" Nagtatakang tanong ko.

Umalis sa yakap ang mommy ko tsaka ako hinarap.

"Dinadalaw ang anak namin. Ano pa nga ba?" Nakangiting sabi ng daddy ko.

Ano nga bang nangyare sakin? Bakit ako nandito sa hospital?

"Dalawang araw kang walang malay anak" malumanay na sabi ng dad ko.

2 days?! Seriously?!

"Tinawagan kami ng kaibigan mo kaya namin nalaman na nandito ka.." Sabi ng mom ko.

"Ahh" awkward na sabi ko.

Nakakapanibago kasi na nandito sila ngayon. Matagal tagal din kaming hindi nagkita o nag usap manlang.

"..she told us everything" sabi ni Mom na nakayuko at hindi makatingin sakin ng maayos.

"What?" Naguguluhang sabi ko.

"About your sister... And that old friend of yours.. Chloe" sabi ni Dad sakin.

Napayuko ako dahil sa mga naalala ko. Lahat ng sinabi ni Janette noong gabing iyon... Hindi parin ako makapaniwalang kayang gawin sakin iyon ni Chloe.

"I'm so sorry anak"

Napalingon ako sa mga magulang ko na umiiyak ngayon sa harapan ko. Agad ko silang niyakap dahil ayaw ko silang makita na umiiyak.

"We're so sorry for blaming you" iyak ng iyak na sabi nila sakin.

"Shhh I understand mom, dad" nakangiting sabi ko.

Naiintindihan ko sila dahil kung ako rin iyon talagang masasaktan ako.

"Please come back home" sabi ng Dad ko.

Nung araw din na iyon ay pinayagan akong umuwi ng doctor at sa mansion ako uuwi dahil pumayag ako sa desisyon ng magulang ko na bumalik.

Isa sa dahilan ko kung bakit gustong gusto kong umuwi ay para madalaw ko na ang puntod ng ate ko. Dahil malapit lang samin ang puntod ni ate at private ang cemetery na iyon at para lang iyon sa myembro ng pamilya ng mga Alonte.

Pagdating ko sa mansion ay agad akong tumungo roon sa puntod ng ate ko. Naupo ako sa harap non at pagkaupo ko ay agad na bumuhos ang luha ko.

Ang bigat ng pakiramdam ko noon at lahat yon ay nawala na.. Ang sarap sa pakiramdam na makitang muli ang ate ko.

**

Pumasok na ko sa mansion at galing ako sa school. Nakakaloka nga dahil sobrang damibg students na nagtatanong kung okay na ba ko dahil nabalitaan nila na naospital ako.

Right Time At The Right MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon