THIRD PERSON's P.O.V
"HANNAH MARIZA ALONTE!" Sigaw muli ng emcee.
Napaubo si Hannah nang marinig niya ang kaniyang pangalan. Tuwang tuwa naman sina Bryan dahil sa reaksyon ng dalaga habang si Janette ay mapang asar na tinignan si Chloe.
Clueless na tumayo si Hannah at naglakad palapit sa kinatatayuan nina Hope. Kabadong kabado ang dalaga kaya naman muntikan pa itong matapilok ngunit agad siyang sinapo ni Hope at hinawakan siya sa kaniyang bewang.
"Ay nakssss! May chemistry sila bagay na bagay!" Kantiyaw ng emcee kina Hannah at Hope na ikinaingay ng mga studyante.
Nagkatinginan ang dalawa bago sila umayos ng tayo at nahihiyang bumitaw sa isa't isa.
"Oo naman. Bagay talaga sila no" nakangising sabi ni Janette habang nakatingin kay Chloe.
"Bitch" bulong ni Chloe kaya hindi ito narinig ni Janette.
Binigyan ng korona sina Hannah at Hope tsaka ng sash na may nakalagay na Mr. & Ms. Victory Night.
Paalis na sana si Hannah at Hope matapos nilang matanggap ang korona at sash ngunit agad silang pinigilan ng Emcee
"Oppsss oppsss. Ano yon ganon nalang yon aalis kayo agad? Hahaha" natatawang sabi ng Emcee dahilan para mapatawa ang lahat
"Let's all enjoy the sweet moment of Mr. & Ms. Victory Night with a romantic dance" sabi ng emcee tsaka inalalayan sina Hannah papunta sa gitna at iniwan sila roon.
Tumugtog ang mabagal na kanta at nagkatinginan si Hannah at Hope. Agad naman na umiwas si Hannah ng tingin dahilan para mapangiti si Hope.
Lumapit si Hope kay Hannah at hinapit ang dalaga na ikinagulat nito. Nakahawak si Hope sa dalawang bewang nito. Kinuha ni Hope ang dalawang kamay ng dalaga tsaka niya ito inilagay sa dalawa niyang balikat.
"You okay?" Tanong ni Hope kay Hannah na nakaiwas pa din ng tingin.
Tumango si Hannah para sagutin ang tanong sakanya ng binata.
"Umm.. You look beautiful today... I mean more beautiful" sabi ni Hope dahilan para mapatingin si Hannah sakanya..
Ngumiti si Hope kaya naman napangiti na din ang dalaga
"Salamat" sabi ni Hannah.
Bahagya silang natahimik ngunit nakatitig pa din sila sa mga mata ng isa't isa. Hindi mapigilan ni Hope ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Mari.." tawag ni Hope kay Hannah.
Hindi umimik ang dalaga at tinitigan lang si Hope habang hinihintay ang sasabihin nito sakanya.
"I actually don't know what to say" sabi ni Hope na may maamong mukha habang nakatitig pa din sa dalaga.
Nais sabihin ni Hope ang nararamdaman niya para kay Hannah pero wala siyang lakas ng loob lalo pa't mayroon siyang nobya.
Napakunot ang noo ni Hannah at makalipas ang ilang segundo ay ngumiti ito sa binata.
"It's okay. I understand" sabi ni Hannah.
Hindi maintindihan ni Hannah ang ipinaparating ni Hope pero nahahalata niyang may nais sabihin sakanya ang binata na hindi lang masabi ng diretso.
Hindi napigilan ni Hope na yakapin ang dalaga ngunit tuloy pa rin sila sa pagsasayaw.
Nagtilian ang mga kapwa nila studyante dahil sa kilig na nararamdaman nila habang pinapanood ang dalawa na sumasayaw sa gitna.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)