FLASHBACK
"Hannah! Table number 9! 3 beers daw!" Sigaw ni Mike sakin.
Agad akong kumuha ng 3 na beer at binuksan ito tsaka ko inilagay sa tray. Naglakad ako papunta sa table 9 na may tatlong babae tsaka sinerve ang beers.
After noon ay pumunta ko sa ibang customer na nagtatawag para umorder ng beers.
Mag 2am na nang maisipan naming magsara dahil wala na ding customer. Agad akong nag ayos ng mga lamesa at upuan para maayos ang lugar bago kami umalis.
Napatigil ako sa pag aayos ng mesa nang may marinig akong naghihilik sa di kalayuan. Nilapitan ko iyon at nadatnan ko roon ang isang lalaki na natutulog sa malambot na upuan.
Sinilip ko ang mukha niya pero hindi ko maaninag.
"Hannah!" Napalundag ako ng bahagya dahil sa pagtawag sakin ni Mike na ikinagulat ko.
"Oh bakit?" Tanong ko sakanya.
"Mauna na ko ah? Kailangan ko na talagang puntahan si mama sa hospital eh. Wala kasi siyang bantay" sabi ni Mike sakin.
Nilingon ko muna yung lalaking tulog bago sumagot.
"Sige ingat ka" sabi ko kay Mike tsaka ito umalis.
Nakakahiya naman kung kay Mike ko pa ipapasa tong lalaking to eh kailangan na niyang puntahan ang nanay niya.
Nilapitan ko ang lalaki, naupo ako sa harap niya para tapatan ang mukha niya tsaka siya tinapik sa pisngi.
"Sir? Sir magsasara na po kami" sabi ko habang tinatapik pa din ang pisngi niya.
He groans at humarap ito sakin tsaka siya dumilat ng kaunti. Napatulala ako sa mukha niya dahil napaka gwapo pala niya.
Bumalik ako sa katinuan nang maramdaman ko ang paghawak niya sa wrist ko tsaka niya ko marahang hinila kaya napalean ako sakanya.
Naramdaman ko din ang pag pulupot ng mga kamay niya sa bewang ko at ang pagsubsob ng mukha niya sa leeg ko.
Wtf is he doing?!
Agad ko siyang itinulak para mapabitiw sa yakap niya. Napabuntong hininga akong tumayo habang tinitignan ang lalaki.
Anong gagawin ko sakanya?!
Napahinto ako sa pag iisip nang bigla siyang naupo at tumayo. Agad ko naman siyang inalalayan nang muntikan na siyang masubsob.
"Uuwi na ko" biglang sabi nung lalaki
"Pano ka uuwi sa lagay mong yan?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami palabas ng bar.
"Ewan koooo hahahhaa" sabi niya sabay tawa.
Sabog yata to eh.
Iniupo ko siya sa gilid at kinuha ang lock ng pinto ng bar tsaka ko isinara at siniguro kong di ito papasukin ng mga magnanakaw.
"Tara na uwi na tayoooo" sabi nung lalaki sabay hawak sa kamay ko -_-
Wala akong nagawa kundi ihatid ang lasing na ito sa bahay niya. Siguro hinahanap n siya ng mga magulang niya.
"Saan ka ba nakatira?" Tanong ko sakanya habang naglalakad kami papuntang.... Parking lot?
"Bakit dito?" Nagtatakang tanong ko.
"Kotseee" mahabang sabi niya.
Kotse? May kotse siya?
Kinapa niya ang bulsa niya at pilit na may kinukuha at nang makuha niya ito ay nakangiti niya itong pinakita sakin.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)