HANNAH MARIZA's P.O.V
After ng announcement si sir ay pinapunta na niya kami agad sa napili naming sports dahil may orientation daw agad.
"Hannah!"
Nakita ko si Janette na kumakaway sa hallway kaya nilapitan ko siya.
"Sabay na tayo pumunta sa Gym" nakangiting sabi niya kaya nginitian ko siya.
"A-alam mo ba ang swerte mo" sabi sakin ni Janette habang naglalakad kami papuntang Gym
"Swerte? Saan?" Nagtatakang tanong ko.
"Kasi seatmate mo si Zack" pabulong na sabi niya sakin.
I knew it. She likes him.
"Crush mo siya no?" Sabi ko na may pang aasar na mukha.
Namula ito at pinalo niya ko sa braso ko.
"H-hindi ah!" Tanggi niya.
Natawa ako dahil namumula ang mukha niya.
"Di ako swerte no" sabi ko
Tinignan niya ko nang may pagtataka sa mukha.
"Bakit naman?" Tanong niya.
"Masungit kasi yon si Zack tapos tahimik lang at hindi nagsasalita" sabi ko sakanya.
"Eh bakit kanina nakita ko kayong mag kausap?" Tanong niya
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga niya.
"That's the first time na kinausap niya ko" sabi ko.
Nanlaki ang mata niya.
"Totoo?" Gulat na tanong niya.
Tumango tango ako.
"Sa tingin mo ba may crush siya sa room?" tanong ni Janette
Napaisip ako. Naalaal ko bigla yung reaksyon ni Zack kanina habang kausap niya si Janette.
"Wala siguro. Lagi lang siya nakadukdok sa lamesa eh, tulog" sabi ko. Di rin naman kasi ako sure kung tama ba yung napansin ko kanina.
Ngumiti si Janette at sabay kaming pumasok sa Gym. Pagpasok namin ay nakita ko si Zack na nakatayo sa gilid na parang antok na antok.
"Janette" tawag ko.
"Hmm?" Tanong niya at tumingin siya sakin.
"Yung crush mo oh" sabi ko sabay turo kay Zack at nilingon naman niya iyon.
Namula ang mukha ni Janette at hinampas ako sa braso.
"Ano ka ba wag ka maingayyy" nahihiyang sabi ni Janette.
Hindi niya tinanggi na crush niya hahaha. Natawa ako sa reaksyon niya kaya sumimangot ito. Tinignan ko ulit si Zack at nakita kong nakatingin ito kay Janette.
Nawala ang ngiti ko nang mahagip ng mata ko si Hope na kasama si Chloe. Nagkakalapit na talaga sila..
Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Bakit?.. Bakit ganito yung nararamdaman ko?
"Uy Hannah?"
Nilingon ko si Janette na tinawag ako.
"B-bakit?" Tanong ko sakanya.
"Sakit?" Sabi niya.
"Ha?" Nagtatakang tanong ko.
"Alam mo lagi kitang nakikita" nakangising sabi niya na ikinakunot ng noo ko.
BINABASA MO ANG
Right Time At The Right Moment
RomanceThis story is about the girl named Mariza who has nothing, she's so cheerful outside but gloomy inside. Can Hope save her from the pain of her past and stay with her forever? (Completed)