Chapter 16

2 0 0
                                    

HANNAH MARIZA's P.O.V

Late na kong nagising kaya heto ako ngayon tumatakbo nanaman sa hallway papunta sa BK dahil may laro sila Janette at hindi ako pwedeng malate dahil kailangan ko siya mapanood.

Nagmamadali akong pumasok sa BK Gym at nagtaka ako dahil medyo nagbubulungan ang mga tao at ang iba naman ay parang nagpapanic.

Papunta na sana ako sa bench para doon maupo at manood pero may humawak sa kamay ko tsaka ako nito hinila.

"Oh Janette nagstart na ba ang game?" tanong ko sakanya.

"Kailangan ka namin! Sumunod ka lang" sabi ni Janette sakin tsaka kami pumasok sa loob ng Locker room at naabutan ko doon si Coach na hindi mapakali at lakad ng lakad tapos ang members ng Mighty Vixens na nakaupo na parang namomroblema.

Mighty Vixens ang tawag sa Basketball Girls while sa Boys ay Mighty Foxes. Vixen means female fox.

"Anong problema?" Tanong ko sakanila kaya napalingon sila sakin pwera kay coach.

"We have an emergency" sabi ni Coach sabay tingin sakin na parang nagulat pa siya na nandon ako.

Hindi niya yata napansin ang pagpasok namin ni Janette dahil sa lalim ng iniisip niya.

Ano ba kasing problema?

"Thank me later coach" nakangising sabi ni Janette.

"Hannah, can you move your right hand?" Tanong ni Coach sakin.

"Yes coach" sagot ko tsaka pinakita sakanya na ginagalaw ko ang kanang kamay ko.

"Are you allowed to play?" Tanong ulit ni coach.

Sabi naman sakin ni doc 3 days lang di pwedeng gamitin ang right hand ko so I think I'm allowed now kasi  halos 1 week na nakalipas.

"Yes coach, I'm allowed" sabi ko na ikinangiti ni Coach ng malaki.

Tumalikod si Coach sakin at may kinuha tsaka ito hinagis sakin at sinalo ko naman yon agad.

"Wear it. Now" sabi ni Coach.

Walang tanong tanong ay pumasok ako sa banyo at sinuot ang jersey na binigay ni Coach.

Nakaprint sa harap ang fox na kagaya sa jersey ng boys pero ang pinagkaiba lang ay Vixens ang nakalagay samin hindi Foxes.

Lumabas na ko at sakto naman na tinawag ang team namin. Hinawakan ako ni Janette at hinila palabas ng Locker Room.

Naghiyawan ang mga taga MSU dahil sa pag labas namin at nangunguna kami ni Janette sa paglalakad dahil Captain si Janette at hawak naman niya ko.

I saw the three boys which is Zack, Bryan and Hope sa likod ng Bench ng mga players, kasama nila si Chloe at Ace doon na nakaupo at humihiyaw din para magcheer pwera kay Chloe na parang iritado sa ingay ng paligid.

"What am I doing here?" Bulong ko kay Janette.

"It's an emergency, madidisqualified ang Mighty Vixens kasi kulang kami ng isang member" sabi ni  Janette.

"What?! Why?" Tanong ko sakanya.

"Two members natin na models ay may biglaang schedule kaya hindi makakarating. Luckily sobra tayo isang member kaya kahit dalawa ang di makakarating ay isa lang ang kulang" sabi ni Janette sakin.

"At luckily ulit dahil nandyan ka" sabi ni Janette sakin na ipinagtaka ng mukha ko.

"Ha?" Ako

Right Time At The Right MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon