Chapter 06

4 0 0
                                    

HANNAH MARIZA's P.O.V

"Back off Hope" sabi ni Heath

"You back off Heath" sabi naman ni Hope

Nandito kami ngayon sa elevator kung nasan ang condo ni Hope. Nagtatalo sila kanina pa mula nung sinabi ni Heath na liligawan niya daw ako.

Sarap sanang kiligin kasi may nagkakagusto sakin kaso.....

"Hey young man! How many times do I have to tell you? Stop calling me Hope! (`o')ノ" sabi ni Hope.

"Hey old man! How many times do I have to tell you too? Stop calling me Heath! "('o')ノ" sabi ni Heath.

"Di ba kayo titigil na dalawa?" sabi ko naman.

Tumingin sila sakin tsaka biglang nagtalikuran. Heath is Hope's brother.... 'YOUNGER' brother rather (¬_¬)ノ He's only 5 years old, cute na bata siya at gwapo, hanggang waist ko lang siya at maputi. Makinis ang mukha at singkit.

Pero kahit makinis ang mukha nito ay mayroon siyang peklat sa pisngi na parang nahiwa ang itsura. Siguro dahil sa kaharutan niya kaya siya nasugatan.

*TING

Bumukas ang pinto ng elevator at nag uunahang lumabas yung magkapatid

"Get lost!" Sabi ni Heath kay Hope nang sipain niya ito sa tuhod tsaka tumakbo.

"Aray! Ikaw bata ka! (`O')ノ" sigaw din ni Hope habang hawak ang tuhod niya tsaka ito napaupo.

Naglakad ako at sinundan si Heath.

"Psst!"

Nilingon ko si Hope na nakaupo pa din sa lapag.

"Oh bakit?" Tanong ko

"Di mo ko tutulungan?"

"Hindi (¬_¬)" sabi ko tsaka naglakad ulit.

Narinig ko siyang nag groan pero di ko siya pinansin. Mga ilang segundo nakalipas ay nilingon ko din siya. Nakatayo ito at iika ika maglakad.

Haist.

Nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya tsaka ko nilagay sa balikat ko, hinawakan ko siya sa bewang niya para alalayan siya sa paglalakad.

"Psh di naman pala ko kayang tiisin" bulong niya

"Kawawa ka naman kasi baka di ka makauwi tas matagpuan ka dyan ng fans mo tas kidnappin ka tapos hingin pa ko ng pang ransom eh wala naman akong perang maibibigay =.=" sabi ko

"Dami mo lagi dahilan. Di mo lang ako kayang iwan" sabi niya.

Di ko siya pinansin at nagpatuloy kami sa paglalakad. Pagkabukas namin ng pinto ng unit ni Hope ay bumungad samin si Heath nang nakacross armed at nakakunot ang noo.

"So you guys are flirting with each other behind my back! (`o') /" Sabi ni Heath

Jusko tong batang to =_=

"Yes we are! And you can't stop us! (─▽─)" Banat naman ni Hope sa kapatid niya.

Eto pa isang bata =_=

**

"So ang emergency ay si Heath?" Tanong ko kay Hope habang hinihilot ko ang tuhod niya.

"Yup" sabi nito habang nakahiga siya sa kama niya at nakaunan ang ulo niya sa dalawang nakataas na braso niya.

Medyo diniinan ko ang pag piga sa tuhod niya sa inis ko.

Right Time At The Right MomentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon