Kabanata 17

1 1 0
                                    


Sumakay na ako sa kotse at tinungo ang lugar na tinutukoy ni Lawrence. Galing sa kaniya ang natanggap kong mensahe. Ewan ko kung saan niya nakuha pero I don’t care. Nakakaenganyo ang alok niya.

“ Bakit?” Tinawagan ko siya. If he's serious with his message then why not?

“ Libre ka ba? Okay lang naman pag hin-“

“ I'm free, Saan bang Restaurant?” hindi na ako nag-abalang magbihis dahil maayos naman ang suot ko.

Kinuha ko lang ang susi ko at nilagpasan ang tatlong taong nag-aabang sa sala. Wag na muna nila akong kausapin.

Bumaba ako at hinanap siya sa lugar. Namataan ko siyang nakasandal sa kotse niya at nagbabasa ng libro.

Hanep, tirik na tirik ang araw tapos nasa labas at porteng nagbabasa. Amazing.

“ Hey. Tara pasok na tayo. Gutom na ako” nagulat pa siya nang nag-salita ako. Tss.

Giniya niya ako sa mesang mukhang pina reserved niya so he really planned this thing. Effort ha.Paano pala pag hindi ako pumunta? pero syempre imposible 'yon.

“ Anong gusto mong kainin?” binabasa niya ang Menu habang sinasabi 'yon. Bago palang ako sa lugar kaya hindi ko alam kung ano ang masarap.

“ Kung ano nalang ang sayo”  tumango siya at tinawag ang waiter para sabihin ang mga orders namin.

Nilibot ko ang mata sa lugar at napansing maganda ang paligid.

Mukhang mamahalin dahil sa mga paintings na naka sabit sa pader. Mga nagkikintabang chandelier at ang mga kumikinang na vase sa gilid.

It feels like I'm in medevial period. Kunti lang din ang tao kaya napaka payapa ng lugar. If I know earlier that there is some kind of restaurant liked this. I probably go here everday pero hindi siguro kasya ang allowance ko sa mahal ng pagkain.

“ First time mo lang ba rito? I'm sorry,this is the best restaurant here in our town kaya dito kita dinala”

Tumango lang at tinuon ang atensyon sa dumating na pagkain. Mukhang masasarap pero hindi ako sigurado kung magugustushan ko ba.

“It's not like that” ngumiti siya sa akin at pinagpalit ang plato namin. Sinimulan kong lantakan ang alimango na dish at wala akong masabi. It's so delicious.

“ Buti pumayag ka. Ang akala ko ay hindi ka pupunta dahil alam mo na. May nangyari pa nong Monday kaya ang akala ko ay galit ka sa akin”nilapag ko ang kutsara at tumingin sa kanya.

“ Ano bang masama sa pagkain? Niyaya mo akong kakain kaya natural lang na hindi ko tanggihan. Atsaka noong lunes pa 'yon. Hindi mo pa nakalimutan?” inseserve naman ngayon ang desserts. Busog na ako. I don’t think I can still eat that.

Ngumiti siya sa akin at kitang kita ko ang dimples niya. Amazing. Gusto ko talaga mag ka dimple pero pimple ang meron ako.

“ Ang hina siguro ng sperm ng papa mo” naibuga niya ang iniinom na wine kaya sinamaan ko siya ng tingin. So disgusting.

“ What the hell? Aurora? Saan mo naman napulot ang tanong mo?” pinagtaasan ko siya ng kilay. What's wrong with my question?

“ Don’t fool me, Lawrence. Wag mo akong bigyan ng reaction na parang ngayon mo lang narinig 'yon. Meron ka rin 'yan kaya imposibleng hindi mo alam” Pulang pula na siya ngayon kaya natawa ako sa kaniya.

“ Bakit naman kasi magtatanong ka nalang ng ganun bigla-bigla” pinunasan ko muna ang luhang lumandas sa mata ko dahil sa katatawa. He's so funny.

“ I saw your dimples when you smile to me a while ago. May nabasa kasi ako na mahina daw ang sperm ng lalaki pag may dimple ang anak nila” hinilot niya ang sentindo niya at parang problemadong problemado sa sinabi ko.

“ You're so conservative Lawrence, Baka nga nanunuod ka pa ng Porn” mabilis niyang tinakpan ang bibig ko.Agad ko namang hinawi 'yon.

“ Ano ba!”

“ Watch your mouth.Sheen Aurora. Hindi mo ba alam ipreno 'yang bibig mo?” kumunot ang noo ko sa sinabi niya. What the hell? So nagmukha pa akong manyak sa tanong ko?

“ Para kang babae.Libre ka ba buong araw? Let's party tonight”ngumisi siya sa sinabi ko. Well, I expected that reaction.

“ Gusto mo ba ako?” naibuga niya nanaman ang iniinom niya. Bakit ba siya ganiyan? Parang tanga.

“ What are you saying? Naririnig mo ba ang sinasabi mo?” pinunasan ko ang bibig ko dahil tapos na ako sa pagkain. I'm so full.

“ Oo naman, Gusto mo ulitin ko pa para malaman mong narinig ko” I didn’t know that he's so funny pala. Nice catch.

“ Paano kung sabihin kong OO?” lumabas nanaman ang dimple niya sa ngiti na 'yon. Kaya iniwas ko ang tingin ko dahil pakiramdam ko ay nakatitig na ako sa kaniya. Mamaya ma mis interpret niya.Mahirap na.

“ Edi OO, ano bang magagawa ko pag 'yan talaga ang sagot mo. Wala akong magawa tsaka hindi narin nakakapagtaka” tumawa siya kaya natawa rin ako. His laugh is contagious. Natampal ko ang sarili sa naiisip.

Fuck you, Sheen Aurora. Wag kang mag-iisip ng kung ano-ano. Deputa ka.

“ Okay ka lang ba?” tumango ako at lumabas na ng restaurant. Maaga pa at ayaw kong umuwi ng bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

“ Lawrence. May alam ka bang lugar para makapagpahinga ng payapa? Maliban sa kwarto ko, wala na akong alam ehh” tumango siya at lumapit sa akin.

“ Meron, pero hindi ko alam kung magugustuhan mo. “

“ Saan ba?” ang gusto ko lang ay ang kalimutan ang mga nakakainis na nangyari sa araw na 'to.

Nasa tama pa akong pag-iisip kung nakakapagtakang natatagalan kong kasama ang gagong 'to.

I Just think that we need to spice things up a little.

“ Okay lang ba pag Dagat. Mababaw ang tubig doon pag hapon at pwede tayong maglakad sa Sandbar” tumango nalang ako dahil wala rin naman akong choice kesa naman umuwi sa bahay.

Sumakay ako sa kotse at sinundan ang sa kaniya. I don’t know the place he's pertaining to. Tinawagan ko si Peony. I just need to make sure something.

“ Bantayan niyo ang bahay namin. Iwan niyo muna ang trabaho niyo mas importante 'yon” Hindi ko alam kung nasundan ba si Arthur o ewan but I need to make sure their safety. I'm so stupid that I forgot about it.

Tinigil niya ang sasakyan niya kaya ganun din ang ginawa ko. Bumaba ako at nadama ang init ng sikat ng araw sa balat ko. Pasado Alas dose palang kaya medyo mainit pa talaga.

“Doon tayo sa may Cottage” tumakbo ako sa kubong tinuro niya. Parang napapaso ako sa sikat ng araw.

Hindi agad siya sumunod pero hinayaan ko nalang. Mas mabuti pang umuwi siya, ang kailangan ko lang ay lugar na mapag palipasan ko ng oras.

Dumating siya at hindi ko alam kung saan niya nakuha ang mga naglalakihang supot na maaaring pagkain at inumin ang laman.

“ Sorry.Iisa lang kasi ang tindahan sa bandang 'to kaya mga ganto lang nabili ko” balak niya ba akong patabain? Kakakain lang namin, pagkain nanaman. Busog pa nga ako hanggang ngayon.

“ Nag-abala ka pa talaga” nilapag niya ang pagkain sa mesang nandoon. Pinagmasdan ko ang dagat sa harap namin. Hindi ko maaalala kung kailan ako huling nagpunta dito. Siguro noong buhay pa si Mama.

Uupo na sana siya sa tabi ko ng ituro ko ang kabilang upuan. Hindi porket, pumapayag ako sa mga pakulo niya e-pwedeng na niyang gawin ang gusto niya.Bawal pa.

“ Ang akala ko pa naman “ umiling siya pero nandoon parin ang ngiti sa labi.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatitig sa dagat.

Napansin ko lang ng nagbago ang kulay ng langit. Papalubog na ang araw kaya pwede na akong umuwi. Sigurado akong wala ni si Arthur sa bahay.

Atsaka ayaw ko narin palang mag-bar ngayon. Tinatamad na ako.

“ Okay ka na ba?” naalala ko lang na may kasama ako ng nagsalita si Lawrence. Ang akala ko ay umuwi na siya dahil sa loob ng apat na oras na 'yon, hindi naman siya nagsasalita.

Tumango lang ako at lumabas na sa cottage. Sinundan niya ako ngunit nagpauna rin sa paglalakad. Where is he going?

Dala-dala niya rin ang supot ng pagkain. Hindi sa kotse ang tungo niya kaya hindi ko alam kung saan.

Nagtago ako sa punong nandoon at sinilip siyang nilalapag ang pagkain sa may tapat ng malaking putol na kahoy.

What the heck? Nag-aalay ba siya? May kaibigan ba siyang hindi ko nakikita. He's so creepy.

A Match Made in a HellWhere stories live. Discover now