Kabanata 15

1 1 0
                                    

Natawa nalang ako at nagtungo na sa Gazebo. My Brain is not that rusty para hindi maaalala ang mga ganong bagay. Maybe I forgot her name but not her actions, Hindi ako bobo.

Nag simula akong mag-basa ngunit kumunot ang noo ko nang may nakita akong itim na papel.

It's big as one-fourth sheet of paper, wala 'to kanina kaya labis ang pagtataka ko. Binasa ko ang nakasulat at wala namang bago ganun parin sa dati. I'm not shocked at all.

Agad ko 'yong nilukot at tinapon sa katabing basurahan. Paniguradong nasa paligid lang ang nagpadala ng sulat na 'yon.

I don’t want to give the satisfaction, Ako dapat ang tatawa at hindi sila.

Pasado alas tres na pero nandito pa rin ako. Hindi pa ako nanahangalian pero hindi naman kumakalam ang sikmura ko,nawili ako masyado sa binabasa kaya nakaligtaan ko ng kumain.

I arrange my things, Pwede na siguro akong sunduin ni Kuya.
Sasabihin ko nalang na pinauwi ako ng maaga.

Nagtungo ako sa Likod dahil wala namang guard doon makakadaan ako ng walang sinasayang na laway sa pagpapaliwanag.

I dialed kuya's number to pick me up. Hawak niya naman ang oras niya kaya pwede niya akong sunduin na walang nagagalit. Wala rin naman siyang idadate kasi wala siyang girlfriend.

“ I'm here at the back of my school”

“ Ang aga mo atang umuwi? “ napalingon ako sa may banda ng mga naglalakihang kahoy sa gilid ng eskwelahan.

Why did I feel something strange? Pumunta ako doon. Naririnig ko pa ang boses ni Kuya kaya pinatay ko ka agad ang tawag.He's too noisy.

Liliko na ako sa may banda ng pinang-galingan ng tunog ng may humablot sa kamay ko. Nabigla ako kaya agad ko siyang naibalibag sa sahig. What the fuck?

“ Ano ba Sheen? Ano bang nasa isip mo?” agad akong dumalo kay Kuya. Bakit naman kasi ang bilis niyang makarating so obviously, akala ko siya 'yong nakamasid kanina.

“ I'm so sorry, Bakit naman kasi hindi ka nagsalita?” inalalayan ko siyang makatayo dahil sa gulat ko talagang medyo malakas 'yong pagkakabagsak niya.

“ Nandyan lang ako sa harap ng School niyo dahil nga may inaasikaso ako kaya mabilis akong nakarating, Hindi ba sinabi mong nasa likod ka, Bakit nandito ka naman ngayon? “ pinagpag niya ang pantalon niyang na rumihan.

“ Wala,Tara na. Nagugutom na ako” nagpauna na akong maglakad at iniwan siya roon. Andami na namang tanong, Badtrip.

Binuksan ko ang kotse dahil hindi naman naka lock, Stupid. Bakit niya iiwang unsecured 'to, Mamaya manakawan pa siya. Careless as always.

“Bakit nandyan ka sa likod? I'm not your Driver, Pinagmumukha mo akong ganun” sumakay siya sa driver seat at andiito ako sa likod. Pati ba naman 'to.

“Just drive, Kuya. Andami mong reklamo para kang babae” umirap siya. What the heck? Niliko niya ang kotse palabas ng school at tinungo ang kakaibang daan na hindi naman papuntang bahay.

“ Kuya, Saan tayo Pupunta. Uwi na nga tayo” sumilip ako sa may bintana at alam kong papunta 'to sa Bayan.

Meron pala siyang gagawin edi sana hinatid niya muna ako sa bahay.

“ Stop Talking Sheen, Ang ingay mo. Magsusukat ka ng Gown at Sapatos sa bayan” napabaling ako sa kaniya. It's not my birthday.

“ Ayaw ko, Marami pa akong sapatos sa bahay at Anong Gown? I dont wear that kind of thing” tinignan niya ako ng masama kaya napakamot ako sa ulo ko.

“ It's for your masquerade ball this Friday. Don’t tell me you will wear jeans and t-shirt on that party? I don’t want my sister to look like rag “ nanahimik nalang ako. I'm somehow happy with this, Mukha umaayon lahat sa plano ko.

Bumaba ako sa kotse ng nasa harap kami ng pinaka malaking boutique dito sa Masinloc. Hindi kalakihan ang bayan pero marami namang pwedeng pamilian.

Pumasok ako sa loob at nakita ang dalagang kasing edad ko lang siguro.

“ Good Afternoon Ma'am. Ano pong inyo?” hinila ko si kuya dahil hindi ko alam sasabihin ko tutal siya naman bibili siya nalang makipag-usap.

“ Uhm, Good Afternoon. Do you have some gown?"

“ Para kanino po, Sir? Sa girlfriend niyo po” napabaling si Kuya na parang nandidiri. What the heck?

“ He's not my boyfriend, Miss. Sad to say, He's my brother”

“ Bakit Maam ? Naghihinayang po ba kayong kapatid niyo si sir? Natawa ako at tinignan si kuya ng masama.

“ Hindi, Nagsisi ako kung bakit may ganito akong kapatid” siniko ako ni kuya at dumiretso na sa mga hilera ng damit na naroon.

Kanina pa kami rito pero parang wala man lang akong nagustuhan.

A Match Made in a HellWhere stories live. Discover now