Kabanata 19

3 1 0
                                    

Bumaba kami at hindi ko alam kung ano ang itsura ko ngayon. What the heck?

“Lawrence, Nasusuka ako. Shit!” naghanap ako ng damo dahil bumabaliktad ang sikmura ko. Hinila niya ang kamay ko at dinala ako kung saan. Kasalanan niya'to,bwesit siya.

Hinagod niya ang likod at hindi parin ako tumitigil sa pag-susuka.

Pawis na pawis ako dahil sa pagod at hilo. Papatayin talaga kita pag umayos ako.

“ Okay ka na ba? “ inagaw ko ang panyong inabot niya at pinunasan ang mga butil ng pawis na lumandas sa noo ko.

Pinagmamasdan lang ako ng mga bata na parang nagtataka pa sila kung ano ang nangyayarri sa akin.

Umupo ako sa bench na naruon. Iyon ang unang beses kong sumakay ng Ferris wheel at pinapangako ko sa sarili ko na hindi na muli. Mamamatay ako ng wala sa oras.

“ Kain na tayo. Gutom na ako” nag medyo umayos ako ay niyaya ko na silang umalis doon dahil sa tuwing matatanaw ko ang ferris wheel parang hihimatayin ako,Bwesit. Na trauma na ata ako.

“ Saan mo gustong kumain” hindi ko alam kung ano nababasa ko sa mata niya. Pinag halo-halong pagsisi at Pag-aalala.

Hindi ko alam kung hallucination ko lang 'yon pero bahala siya.

“ Sa may Beer Plaza nalang” umiling siya sa akin kaya sinipa ko siya. Magtatanong tapos tatanggihan din pala ako. Nagtanong pa siya.

“ Aray! Mausok doon,Aurora.Mas lalo kang mahihilo. May alam akong Café na walking distance lang. Sarado na kasi ang karamihan sa restaurant na malapit. Makakapaghintay ka ba. Sa may 24/7 resto sana tayo kaso medyo malayo”

“ Sa may Café nalang,mas mabuti na rin 'yon. Mabigat ang mga pinakain mo kaninang tanghali ayokong tataba” ngumiti siya ngunit inirapan ko naman.

Hinila ko ulit sa kamay niya si Faith. I feel like I'm holding a feather whenever I touch her hand.

Dumating kami doon ka agad dahil malapit lang talaga. We didn’t bring our cars because it's just a waste of Gas for a very short distance liked this.

May isang pamilya at barkada lamang ang tao sa loob kaya hindi maingay.

Natapos kaming kumain at kami nalang ang tanging tao ang naroon. Nag-si uwian na siguro ang iba dahil malalim na talaga ang gabi.

“ Thank you Kuya at Ate Aurora sa araw na 'to. Nag-enjoy talaga kami ng kapatid ko” tumango nalang ako at iniwan na sila para pumunta sa sasakyan ko.

Si Lawrence na ang bahalang mag-hatid sa kanila kung saang lupalop man sila nakatira.

Bukas pa ang mga ilaw ng nakarating ako. Maaaring gising pa sila at hinihintay ako o binuksan lang talaga nila dahil hindi pa ako dumadating.

Dumiresto lang ako sa kwarto kahit nakita ko si Kuyang naka upo sa sala at nanunuod ng TV.

Ayokong munang pag-usapan kung ano man ang gusto nilang mangyari. Masyado akong napagod sa araw na 'to.

Tinignan niya lang ako at hindi na nagsalita. Mabuti nalang at nakisama siya.

Nagising ako kinabukasan dahil sa init na nararamdaman . Tumayo ako at humarap sa salamin na naruon at hindi narin na nakapagtataka na namumula ako dahil sa kamalas malasan nilalagnat ako ngayon.

Kung kailan naman biyernes saka ako tatamaan ng trangkaso. Ang pinag-aalala ko ay ang itim na papel na natanggap ko noong lunes.

“Fac mihi laetus eris Veneris” na ang ang ibig sabihin ay “ Sinisugurado ko na magiging masaya ka sa Biyernes”

Hindi ko alam kung kaya ko bang dumalo kung ganito ang kalagayan ko.

Paniguradong may pinaplano silang kakaiba kaya hindi pwedeng hindi ako pumunta. I can't risk the lives of my schoolmates with my own problems.

Naligo ako para mabawasan ang init sa katawan. Pakiramdam ko ay umuusok ako. Nabigla siguro ang katawan ko sa ferris wheel kaya ganito ang naging epekto.

Gusto ko nalang humiga at matulog mag-hapon.

Bumaba ako ng hagdan para kumain ng almusal. Hindi pwedeng hindi ako kumain dahil ito nalang ang makakapagbigay ng lakas sa akin.

Wala ni si kuya pagbaba ko.Marahil ay nasa trabaho niya na kaya si Papa nalang ang kaharap ko sa mesa.

“ May sakit ka ba?Bakit namumutla ka?” umiling lang ako nag-simulang kumain.

A Match Made in a HellWhere stories live. Discover now