Kabanata 20

2 1 0
                                    

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Napangiti ako sa pamilyar na boses ng taong 'yon.

“ Yeah. It's been a while. Buhay ka pa pala” hindi pa siya lumalabas pero naaninag ko na ang anino niya na papalapit sa akin.

“ Ikaw? Kaya pa ba? “ nagkibit balikat ako at kinapa ang baril sa bag ko.

Marumi mag-laro ang mga 'to kapag hindi ko sila uunahan ako ang madedehado at paniguradong hindi lang kaming dalawa ang narito.

“Andaming sinasabi. Bakit hindi mo nalang ako patayin para matapos na 'to” tuluyan na siyang nakalapit sa akin at nakita ko nanaman ang kakambal ng babaeng nag-ipit ng walang kwentang papel sa module ko.

Hindi niyo ako malilinlang kahit mag-kamukha kayo.Malilito lang siguro ako pag pinagharap harap kayong lahat.Pareho pareho kayong mukhang demonyo.

“ Masyado ka namang atat,Aurora.Baka nakakalimutan mo na hindi lang ikaw ang nandito”

“ OO naman,Alam ko hindi naman ako bulag” unti-unti nang sinisilaban ang  galit sa puso ko. Subukan niyong mandamay. Maliligo kayo sa sarili niyong dugo.

Nakarinig ako ng sigawan sa baba kaya alam ko na ang mangyayari. Pinutok ko ang baril bago pa siya matapos mag-salita. Hindi ako nakikipaglaro sa inyo.

Gumulong ako sa may mesang malapit sa emergency ladder.
Nag-silabasan sila sa kanina pa nilang pinagtataguan. Hindi na ako nag-taka na madami ang narito ngayon. Immortal ba tingin nila sa akin kaya nagpadala sila ng ganyang karami.

Tatalon sana ako ng nakarinig ako ng putok ng baril. Napapikit ako at hinintay na maramdaman ang sakit ngunit wala akong naramdaman.

Dinilat ko ang mata ko at nakita ko si Lawrence na puno ng dugo at nakahiga sa sahig.

“ Fuck,What are you doing? Open your eyes” niyugyog ko siya at isa-isang pinutukan ang mga nagtangkang lumapit sa amin.

“Argh!” natamaan ako sa balikat ngunit hindi ko na 'yon ininda. Bullshit.This is insane.Kung ako lang naman ang gusto nilang patayin bakit kailangan pa nilang mandamay ng iba?

“ Jay- I mean,Lawrence, Please.Wake up” inalalayan ko siyang makatayo kahit wala pa siya sa sarili niya. Bakit naman kasi niya gagawin 'yon?

Binaril ko ang natitirang kalaban na naruon. Hinanap ko ang cellphone sa bag. I need their help. I badly want to save my schoolmates but I'm a human. Hindi ko kakayanin kung ganitong marami sila.

“ P-puntahan niyo ako rito sa school. Nag ka aberya. Isama mo si Kuya” hirap na hirap akong mag-salita pero sinikap ko para humingi ng tulong.

Kayang kaya ko silang patayin kahit marami pa sila pero hindi sa ganito. Maraming inaalala.

Hindi ako pwedeng mag-padalos dalos at dahil baka may kung ano silang gawin sa mga tao rito.

“ Kaya mo bang mag-lakad?” hindi ko na siya masyadong maalalayan dahil sa natamo kong tama.

Hindi siya gumalaw kaya sinikap ko siyang iupo sa gilid. Hindi ko alam kung kailan sila dadating pero sana bilisan nila.

Pinikit ko sandali ang mga mata ko dahil sa pagod at sakit. Wala sa plano ko 'to. Shit.

Naririnig ko ang palitan ng putok sa baba. Kaya tumayo na ako at kailngan kong tulungan sila kuya. Kaya ko pa naman kahit papa ano.

“ Aurora, May tama ka!” ngumiti ako ng narinig ko ang boses ni Peony.

“ Malayo sa bituka” umiling siya at inalalayan ako.

“ Tapos na ba?” tumango siya kaya naka hinga ako ng maluwag. I'm safe.We're safe

“ pero maraming nakatakas.Hindi rin namin inaasahan na ganon karami ang dadating.” Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Inaasahan? So all this time they knew?

“Paano? Paano niyo nalaman?” tinungo ko ang daan na pinag-iwanan ko kay Lawrence. Isa pa 'yon. Sinabi ko na ngang wag susunod.

“ Kay Kian mo nalang tanungin. Siya lang rin ang nag-sabi sa amin” umiling ako at nilapitan ang walang malay na si Lawrence. He should kill me, hindi niya dapat ako pinoprotektahan.

“ Hayaan mo na ang medic ang dumalo diyan. Unahin mo muna ang tama mo” hinawi ko ang kamay niya. May tinatago 'tong mga 'to sa akin.

Nilagay ko siya sa likod ko at nag-simulang umalis doon. I wonder where is Luhan rightnow. Ibibigay ko ba 'tong kapatid niya o dadalhin ko sa Hospital? I don’t know.

“ Lawrence,Kaya mo pa ba?”

“ Uhm” Hindi ko alam kung matutuwa o maiinis ako sa kinalabasan ng plano ko.Kaya ayaw kong may kasama kapag nag tratrabaho,kapag nag-kaaberya,agad silang magiging super hero,imbis na ako nalang,nadamay pa 'to.

“Dadalhin kita sa Hospital, sandali na lang” mamaya ko na hahanapin sila Papa. Ang importante ngayon ay magamot si Lawrence.

“ W-wag S-sheen,M-magagalit s-si k-kuya p-pag n-nalaman n-niyang n-na h-hospital a-ako”

A Match Made in a HellWhere stories live. Discover now