Kabanata 18

1 1 0
                                    

“ Kuya Jayci, Bakit ka po bumalik?”  dumating ang isang batang lalaki na kung tatansyahin ay nasa mga sampong gulang.

“Ibibigay ko lang sana 'to. Hindi kasi namin nakain ng kasama ko kaya ibigay ko nalang ulit sa inyo” kumislap ang mata ng bata ngunit agad din 'yong naglaho at tinulak ang inaabot na pagkain ni Lawrence.What's wrong? Siya na ng ang binibigyan, Ayaw niya pa.

“ Kuya, Wag na po. Sobra-Sobra na nga po 'yong binigay niyo kanina. Iuwi niyo nalang po 'yan.” So he's really giving them food. How sweet. Tsk

“ Tanggapin mo nalang kaya. Ang arte” lumabas ako sa pinagtataguan ko at inagaw ang plastic na nasa kamay ni Lawrence.

“ Ate. Sino po kayo? Kuya? Sino siya?” bakas ang pagtataka sa mukha ng bata. Umirap nalang ako dahil napaka choosy niya.

“ Wag ka ng Choosy. Kunin mo nalang” nilagay ko sa kamay niya ang mga supot.

“ Hindi po ako Choosy ate. Nahihiya lang po ako. Sabi kasi po ng nanay namin. Wag daw pong tumanggap pag meron pa. Kung pwede namang ibigay sa iba”umupo ako sa harap niya at tinignan siya sa mata.

“ Tama naman ang sinabi ng Nanay niyo pero mag paka practical ka nalang. Hindi araw-araw kaya kang bigyan ng Kuya niyo. Paano pag sumaktong ubos na ang supply niyo at hindi pa siya dumadating tsaka mo lang marerealize na sana pala tinaggap mo?

“ It's not being greedy, it's being wise and practical tsaka wala naman siyang pagbibigyan niyan. Baka itapon niya lang sa basurahan pag-uwi niya”

“ Stop, Aurora. Sige na Tanggapin mo na at mauuna na kami ng Ate mo” sinipat ko siya. Feeling na naman eh.

“ Hindi kita ading kaya. Hindi mo ako ate. Wag ka ring magtitiwala kung sino, sino. Hindi porket mahirap ka eh. Tatanggap ka nalang kung kani-kanino. Tawagin mong Papa si Lawrence dahil simula ngayon siya na ang bubuhay sa inyo

Lumingon siya sa akin kaya ngumisi ako. Kung tutulong ka rin naman lubos-lubosin mo na.

“ Kung ganoon siya 'yong magiging Mama niyo” humagalpak ako ng tawa sa sinabi niya. He's insane.

“ Wala akong pakialam sa mga batang 'yan.Kahit mamatay sila sa gutom wala akong pake. Kaya-“

Naputol ang sasabihin ko ng bigla umiyak ang lalaki sa harap ko. Shit,Ano bang mali sa sinabi ko?

“ Wag ka nang umiyak. Pag pasensyahan mo nalang ang Ate Aurora niyo.Ganyan talaga siya”

Hindi parin sila tumatahan kahit anong alo ni Lawrence.Bakit ba siya ganyan? Noong bata ako hindi naman ako iyakin ah.

“ Stop Crying,Ano ba!” dahil nga hapon na marami ng tao at ang mga mata nila ay kasalukuyan ng nagmamasid dahil sa iyak ng mga bwesit na batang 'to.

“ You're not helping, Aurora” umirap lang ako at umupo sa harap ng dalawang bata. Hindi ko alam paano mag patahan pero base sa mga palabas na napapanood ko. Isa 'to sa pinaka effective.

“ Gusto niyo bang pumuntang Arcade?” napalingon si Lawrence at bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ewan pero nakikita niya ang iba't ibang bersiyon ng sarili ako at ayaw ko 'yon.

“ Talaga po?Dadalhin niyo kami doon?” tumango nalang ako.

Hindi ko alam pero nakikita ko ang sarili ko sa kanila. Ayaw ko lang talagang mag-alala sa mga batang 'to kaya kung pwede lang itaboy ko sa kanila.

Maswerte ako dahil mayroon pa akong kuya at papa. Masakit para sa akin ang mawalan ng ina pero paano naman sa kanila na wala na kahit sino.

Life is not about how many people are there for you it's about how many of them really cares and loves you.

Giniya ko sila sa kotse ni Lawrence at tinapik ang balikat niya.

“ Ikaw magbabayad lahat ng gastos. Wala pa akong allowance” sumakay na ako sa kotse pagkatapos sabihin 'yon.Tinignan ko ang cellphone ko at may mahigit sampung missed calls doon. It's probably Kuya or Papa.

Kahit hindi ko sila tawagan ngayon maaaring alam na nila kung nasaan ako at ano ang ginagawa ko. No need to waste a load for a useless talk.

Nakarating kami at papalubog na ang araw. Hindi na rin masama na ubusin ko ang oras ko rito. Bumaba sila at ngayon ko lang napansin kung gaano sila kadumi.

“ Marami ka namang pera diba? Kailangan mag-bihis ng mga 'yan at ang dungis nila.Bilhan mo sila ng damit at ipaligo mo sa Public Cr. Hintayin ko kayo rito”

Umiling siya na parang dismayadong dismayado sa narinig ngunit tumango rin kalaunan.

Umupo ako sa bench na naruon at tinanaw silang palayo. First time kong pumasok dito dahil wala naman akong batang kapatid at mas lalong wala akong anak.

Nag-sisimula ng buksan ang ilang ilaw kaya mas nagkaroon ng buhay ang lugar. Nakakasilaw ngunit kapag nasanay ka'y maganda naman sa panigin.

Naghintay ako ng mahigit sampung minuto bago sila dumating. Hindi ko alam kung bakit ko sinasayang ang oras ko rito kung pwede naman akong pumunta sa ibang lugar.

Nababaliw na ata ako.

“ Nag-mukha na kayong tao ah” sinamaan ako ng tingin ni Lawrence. Pasalamat nalang siya at may kaharap kaming mga bata kung hindi.

Hindi ko alam ang pasikot-sikot dito kaya siya ang may hawak sa mga bata. Lumayo ako ng kunti sa kanila dahil nag mumukha kaming mag-kapamilya.

Bwesit, Baka mag mukha pa akong nanay ng wala sa oras.

Nagtataka lang talaga ako sa kasama naming batang babae. Kanina pa salita ng salita ang kuya niya pero parang siya ay wala balak bumulong man lang.

Hinigit ko siya kay Lawrence kaya labis ang pagtataka sa mukha nila. I just want to know something, Idiot.

“ Ako na ang mag-hahawak sa kanya para mas madali” pagsisinungaling ko at nag-simula ulit silang mag-lakad.

“ Bata, Bakit hindi ka nagsasalita?” hindi siya lumingon sa akin kahit nag-salita ako. Kaya mas lalo kong nilakasan ang boses ko ngunit parang wala parin siyang naririnig.

Kinarga ko siya dahil mukha naman siyang magaan at nag-salita ako ulit ngunit tinitigan niya lang ako. Nag simula siyang ituro ang tenga niya kaya naintindihan ko ka agad. Bakit kasi hindi niya sinabing bingi siya edi sana hindi na ako nag-aksaya ng laway.

Huminto sila sa may Ferris Wheel kaya tumigil narin kami. Bumili siya ng apat ng ticket kaya nagtaka ako kung may isasama ba siyang iba.

“ Tatlo lang kayo para kanino 'yong isa?”

“ Para sayo.Sasakay tayong lahat. Apat ang kasya sa isang bagon ng ferris wheel” umiling ako at umatras. I don’t want to.

Kahit kailan hindi ko pinangarap ng sumakay sa ganiyan at wala akong balak.

“ Sige na,Aurora. Ikaw ang nag-aya sa mga bata kaya.Tara na”  umatras lang ako ngunit wala na akong maatrasan dahil sa mga taong naka pila sa likuran ko.

“ Walang nakakatakot diyan. Kasama mo naman kami, kasama mo naman ako” rinig na rinig ko ang hagikgikan ng mga babae sa likod ko at parang natutuwa pa sila sa masamang tanawin na nasasaksihan nila.

“ Ayaw ko nga eh.Pag sabi kong ayaw ko ayaw ko” lumapit sa amin ang kumukuha ng ticket na parang buryong buryo sa kakahintay.

“ Sasakay pa ba kayo? Kung magpipilitan lang kayo pwede na kayong umalis” aambahan ko na sana siya ng suntok ng hinawakan ni Lawrence ang kamao ko.

“Wag.Aurora, Halika na kasi.Wag mo nang patulan” hinila ko ang kamay ko sa kaniya at pumasok sa bagon ng ferris wheel.

Pinakalma ko ang sarili ko at kahit anong oras ay sasabog na ang galit  baka ang mga batang kasama namin ang mapag buntungan ko ng inis.

Nag-simulang gumalaw at mahigpit akong kumapit sa bakal na nandoon.

Nasa akin ang batang babae at katabi ni Lawrence ang isa. Tahimik lang silang nagmamasid pero heto ako, Ang kaninang galit ay napalitan ng takot.

What the hell? Bumilis ang tibok ng puso ko ng natanaw ko ang kabuuan ng lugar ngunit imbes na matuwa ay kaba ang naramdaman ko.

“ Wahh,what the heck? Shit,What is this. MAMA!” bumaba ang bagon kaya mas lalong nadagdagan ang tambol sa dibdib ko. Parang kumakawala ang kaluluwa ko, bwesit.

“ Aurora,it's okay. First time mo ba?Sorry, ang akala ko kasi hindi ka natatakot sa ganito” nakapikit lang ako at ayaw kong tanawin ang nasa labas ko.

“ Carl, pwedeng ikaw ang tumabi kay Faith, at tatabihan ko ang ate Aurora niyo” dinilat ko ang mata ko at kita ko kung paano tumango ang bata.

Lumipat siya sa tabi ko pero kahit ganoon hindi parin naiibsan ang kaba at takot ko.

This is Bullshit, Kung hindi niya sana ako pinilit edi sana hindi ako mag mumukhang tanga rito.Pinagsisisihan ko ang araw na 'to. This will never happen again,Never.

Nagsimula nanamang bumaba ang ikot kaya pumikit ulit ako. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mababali ko na ang bakal na hinawakan ko dahil sa higpit ng pagkakahawak ko rito.

“Aurora,Give me your hand” umiling ako at siniksik ang sarili sa gilid. Kailan ba matatapos 'to. Bakit ang tagal naman ata.

“ Sorry, Don’t kill me after this.” He held my waist at nilapit sa kaniya kaya nagmukhang niyayakap niya ako.

Inipakan ko ang paa niya dahil hindi ko kayang tanggalin ang pag-kakahawak ko.Ngumiwi lang siya ngunit hinayaan niya nalang ako.

“ I will endure the pain kong ang kapalit ay ang pagkawala ng takot mo”

A Match Made in a HellWhere stories live. Discover now