Warning: My Man Is A Killer. Copyright (c) 2012 by Bernadette A. All rights reserved. No part of this book may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permission except in the case of brief quotations embodied in critical articles or reviews.
Names, characters, places and incidents are products of the author's imaginations or are used fictitiously. Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.
-----------------------------------------------------------------------------------
*****[Now playing: Fireflies by Owl City]*****
----------------------------------------------------------------------------------
Chapter One
Ang tagal niya ha. Ang usapan alas-sais dapat andito na. Eh passed 6pm na wala pa siya. Ita talaga kausap 'yon, kahit kailan! May usapan kasi kami ng bestfriend ko na sabay kaming bibili ng Christmas gift namin kay Ma'am Miralles, heto nga't nanginginig na ako sa lamig dito sa park dahil sa ihip ng hangin. Dama mo na talaga ang Christmas, buti na lang maraming tao dito at may mga maniningning na ilaw and naggagandahang fireworks kaya naman malilibang ka. Eh kaso ako, hindi na ako nalilibang ah. Nililibag na ako kahihintay sa kaniya!
"Yuan!" Napalingon ako sa likod ko dahil alam ko siya na yang paparating. Aba, kumakaway pa?
Huminto siya sa harap ko at nakangiting aso pa habang hinihingal. Naka-cross arms lang ako sabay taas ng isang kilay ko.
"Sorry, sobrang traffic." Dahilan niya.
"Reason ba 'yan ha? See? Kanina pa ako dito, inugat na ako at lahat-lahat wala ka pa. Ikaw pa naman 'tong nag-aya. GD naman!" Sabi ko sabay talikod at naglakad na. Malapit lang naman ang mall dito.
"Hey, wait! Di na mauulit. Promise!" Sigaw niya habang hinahabol ako.
Tumahimik na lang ako habang sabay kaming naglalakad. Alam naman niyang, kapag ako tumahimik 'di na siya magsasalita. Sanay na 'yan sakin. Oo nga pala, si GD Imperial, bestfriend ko. Childhood bestfriend kami niyan at family friend namin sila. Third year college na kami at parehong nagtetake ng Mass Communication sa Swanepoel University. Swahn'uh'pole yung pronunciation, parang swimming pool lang no?
Nananatili pa rin akong tahimik hanggang sa pagpasok dito sa mall, minsan saglit akong sumulyap kay GD at napapakamot lang siya ng ulo. Napapangiti tuloy ako ng lihim pero pinipigil ko. Haha. Ganyan 'yan kapag galit ako, nag-iisip na ng way 'yan kung paano niya papalubagin ang loob ko.
"Yuan, pansinin mo naman ako." Simula niya, para siyang bata. Haha.
Hindi ko pa rin siya pinansin instead, I dropped by the near stall. Dresses which are hanging on its wall catch my attention. Sigurado babagay kay ma'am Miralles 'to.
BINABASA MO ANG
WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]
FanfictionSi Yuan na isang simpleng babaeng nabuhay na halos kasama ang bestfriend niyang si GD. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob ni GD sa bestfriend niyang si Yuan. Natatakot siyang sabihin ang nararamdaman sa babae dahil natatakot siya sa...