Dont forget to Vote!!!
"IKANGGGGG!!!" sigaw ni Mama Syd (Sid).
"PO?!" Balik na sigaw ko naman sa kaniya. Di kami nagsisigawan ng harapan ah? Nasa baba kasi siya at nasa taas ako.
"ANONG ORAS NA?! NAKAPAG LUTO KA NA BA?" sigaw ulit nito. Bumaba ako para sagutin siya ng hindi pasigaw.
Nakita ko ito na nakaupo sa maliit na upuan at naglalaba."Opo Ma, Nanjan na sa Lamesa yung Talong na ni-prito ko po" sinabi ko ito habang lumalapit sa kaniya.
"Ah.. Ma, ako na lang diyan maglalaba. Tapos narin naman po ako sa gawaing bahay." Sabi ko dito at kinuha na sa kamay niya ang mga hawak niyang damit, sabon at brush.Tumitig ito sa akin atsaka tumayo na.
"Mabuti naman. Kakain muna ako at kanina pa ko gutom sa kakalaba dito."
Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
Nang akmang magsisimula na ko sa pag laba ay tinanong ako ni Mama na naging dahilan ng pag lingon ko ulit sa kaniya.
"Teka. Ikaw? Kumain ka na ba?" Tanong nito sakin. Awww ang sweet ng Mama ko ngayon ah? Hindi ako sanay na ganyan siya umasta sakin ngayon. Ngumiti ako dito at tumango.
"Nga pala mamaya pumunta ka sa palengke bilhin mo yung mga dapat na bilhin dito sa kusina. Kulang kulang na tayo sa mga sangkap dito." Tumango na lang ako at nag laba na.Pagkatapos kong maglaba ay Pumasok na ako sa Tabing-tabing lang na kwarto ko. Tumungo ako sa damitan ko at nagpalit na. Tinignan ko ang suot ko sa medyo mahaba namin na salamin na may basag pa sa taas at ibaba. Saktong Tshirt na puti ang suot ko pero dahil sa luma at palaging nababasa ng ulan at ng usok habang nagluluto kami sa uling, naging madilaw na ito. Simpleng pajama ang suot ko na may kulay na lusaw na pink lang at may butas pang tatlo sa bandang pwetan ko. Tinignan ko ang mukha ko sa salamin. Pinagmasdan kung bakit sa loob ng 17 years eh hindi parin nagbabago ang pamumuhay namin ni mama. Pero kahit ganun... Kontento ako sa kung anong meron ako ngayon. Atleast nanjan si mama hindi ba? At kahit ganun, di niya parin ako iniwan katulad ng Papa ko. Ang Papa ko iniwan si mama nung nasa 7 taong gulang palang ako. Hindi sila nagkakabati marahil ay dahil sa pera. Kulang na kulang kasi kami talaga sa pinansyal. Ultimo itong damit ko at ni mama pati narin yung mga nilabahan ko kanina ay galing sa divisorya na patapon na. Hindi na naman na daw nila maibebenta iyon dahil sa kapangitan ng damit. Sa divisoryang yun nagtratrabaho si Mama ngayon, kaya ayun... Yung patapon na yun ay hiningi na lang Ni mama para samin.
Kaya ako na lang ang naiiwan dito sa bahay ng mag isa. Wala naman akong kapatid. Yung kuya ko daw namatay dahil sa Sakit. Sakit na alam nilang hindi nila kakayanin ang magiging halaga ng pagpapagamot kaya lumala ang sakit nito at namatay. Hindi ko nakalaro si Kuya Brix. Namatay daw ito noong kakapanganak pa lang sakin. Bago pa nga daw ito namatay, natuwa siya kasi may papalit na sa buhay niya at yun ay ako.Haytss Kuya Brix.
Itiniggil ko na ang pag alala ko sa nakaraan at tumungo na sa Palengke.
Habang ako ay dumadaan sa iskinita bago magpalengke ay samot saring mga lalaki o mapababae ang hindi makakalampas sakin kung hindi muna titingin sakin.Shet pre, Maganda sana kaso mabantot. (Sabay tawa nito at nang kasamahan)
Pre, lapitan mo na. Malay mo maging kayo niyan, sayang yung ganda oh.
(Natatawa paring sabi ng kasamahan)Pre, Pinapaubaya ko na lang sayo. Hindi ko gugustuhing magkaroon ng gf na mabantot (sabay halakhak nila)
Sa mga dahilan ng paghalakhak nila alam kong ako palagi ang pinagkakatuwaan nila. Hindi ko napigilan ang sarili kong mga mata na kanina pa umiinit at nagbabandya nang tumulo ang luha. Masyado akong mahina para hindi pansinin ang mga sinasabi nila.
Umiyak ako habang tumutungo sa palengke. Hindi ako makakapunta ng palengke ng hindi man lang umiiyak sa bawat pag daan ko sa Eskenitang iyon.Nung huli ay ang mga babae naman ang namimiesta sa akin.
*Flashback
Ghurl, nandito na naman ang Reyna ng kabantutan oh.
Hay nako ghurl, iwas iwas ka jan baka mahawaan ka ng arg alam mo na yun.
Malayo pa lang umaalingasaw na yung amoy ng anit niya, parang di naliligo.
Ghurl dahil yan sa kahirapan nila, nagkanda baon baon na nga yan sa utang e, pati mama ko inutangan at di pa nahiya, hindi pa talaga binayaran hanggang ngayon.
Maganda sana kaso pok pok.
What? Pano naging pokpok yan eh alam naman nating walang lalapit jan dahil sa kabantutan.
Duh ghurl, If I know naka isa na daw jan si Merky, nagmamakaawa daw yang babaeng yan para may pang kain sa pang hapunan, kaya pati pagkababae binebenta na.
*END OF FLASHBACK
Napahagulgol na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Kahit ganito ako. Kahit ganito ang buhay namin, hinding hindi ako magiging katulad ng iba jan. Hindi ko hahayaang ibigay na lang ang sarili ko sa kung sino sino makalipas lang sa gutom. Gumagawa sila ng kwento na makapagpapaniwala talaga sa iba. Mga kwentong alam ko sa sarili kong Hinding hindi ko kayang gawin.
Malapit na ako sa Palengke ng may makabanggaan ako dahilan ng pag bagsak ko sa daan.
"Oh my ghod sorry. Hindi ko sinasadya" ang tinig nito ay humihingi ng paumanhin at sa babae ito nang galing. Hindi ako agad na katayo marahil narin sa panghihina ko dahil sa mga iniisip ko kanina. Nanatili parin akong naka salampak sa sahig at nag iipon ng lakas para tumayo.
"My ghosh, Im really sorry. I hope you didn't hurt that much" sabi nito.
"Ayus lang." Sabi ko. Nang nakaipon ako ng lakas ay tumayo ako at nakita ko ang babaeng nakabangga sakin.
Natulala ako sa ganda nito, mala anghel ang maamo nitong mukha. Sa pangkikilatis ko ay magkasing idaran lang kami.
Ang kutis na parang gatas. Hindi katulad ko na napuno na marahil ng libag. Kahit medyo malayo siya sakin ay humahalimuyak ang kaniyang bango. Hindi katulad ko na ang umaalingasaw ay malangsa. Ang kaniyang buhok na nakikisabay sa hangin. Hindi katulad ko na tigas na ang bawat hibla ng buhok.
Maayos ang pananamit halatang nang galing sa mayamang pamilya hindi katulad ko na nanggaling lang sa masikip at mabahong iskinita.Inayos ko ang mga buhok na nakalantad sa mukha ko at isinukbit ko ito sa magkabilang likod ng tenga ko. Doon pa ako mas lalong nagulat at natulala sa taglay na alindog ng babaeng kaharap ko dito. Pero napalitan ang aking eskpresyon nang makita ang pagbabago sa kaniyang mukha.
Nagulat at natulala rin ito at bahagyang napa awang pa ang labi nito ng makita ako."Esta no poder Estar(This cannot be)."
Bulong nito. Sa mga sinabi niya ay parang ibang lenguahe ito dahil hindi ko naintindihan.
Tinitigan niya ako at lumapit sakin.
Kinapa niya ang mukha ko. Bahagya akong lumayo sa kaniya dahil baka maamoy niya ang mabaho kong hininga at ang alingasaw na nagmumula sa aking katawan, nakakahiya."S-Saphera?(Safira)" sambit ng babaeng nakatayo sa harap ko sabay tulo ng luha niya.
DONT FORGET TO VOTE. VOTE LANG NG VOTE PARA GANAHAN ANG MAGANDANG DALAG NIYO NA AUTHOR😂
COMMENT KUNG MERON SUGGESTION SA STORY KO. LIKE ANO BANG GUSTO NIYONG IPANGALAN SA MGA SUSUNOD NA CHARACTERS. MAMIMILI AKO AT IS-SPECIAL MENTION KO DITO SA STORY. MUAH
Tadah!!!!! This is my first Story, bala ka jan kung ipagpapatuloy mo sa pagbabasa ito o hindi. Basta ako maghahasik ako ng lagim dito sa wattpad world😂.
BINABASA MO ANG
If We Never Met (On-going)
Teen Fiction"Isang babaeng lumaki sa mahirap lang na pamilya, hindi nakaranas na maging isang bata, hindi nakaranas na maging katulad ng ibang bata. Isang babaeng Hindi nakaramdam na magkaroon ng tunay na kaibigan. Ngunit may makikilala siyang ibang tao na mala...