Magpinsan silang dalawa pero lasing yata si Kupido nung mga panahong yun at napag-tripan niyang magpakawala ng pana sa kung saan lang at aksidenteng natamaan silang dalawang magpinsan. Sinubukan ni Ara na pigilan ang sariling nararamdaman sa half Korean niyang si Jeff pero kapag nasa tabi na niya ang binata, kapag yapos na siya nito at hinahalikan ay nawawala sa kanyang isip na kasalanan ang kanilang ginagawa. Kapag inaangkin na siya ng Kuya Jeff niya ay tila lahat sa paligid niya ay nagiging tama subalit baliktarin man ang mundo, hindi itatama ng pag-ibig nila ang relasyon na sa una palang ay di na dapat sinimulan pa...