Sina Keesha, Lucy, Lucas, Joash at Wize ay ang magkakaibigang nag-aaral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Isang sem na lang... isang sem na lang at makakagraduate sa sila. Pero dahil sa kapilosopohan na taglay ng isa, nadamay pati na ang iba. Sila ay napag-utusang magcommunity service sa Luneta upang malinis ang lugar na iyon, pati na rin ang kani-kanilang mga pangalan. At sa hindi inaasahang pagkakataon, doon nila nakilala ang matandang kapangalan ng nasa monumento- si Lolo Jose. Marami siyang pinagsasasabi, katulad na lamang ng mga katagang "Hindi ito ang paraisong pinangarap niya".... "Pigilan ninyo ang pagpatay sa kanya". Sa isang iglap ay biglang nagbago ang paligid, hanggang sa kanilang napagtanto sa hindi na iyon ang panahon kung saan sila nag-eexist, sa halip, napadpad sila sa taong 1896-ang taon kung kailan hinatulan ng kamatayan ang kinikilala nating pambansang bayani ngayon, ang taon kung kailan dumanak ang dugo, umalingawngaw ang mga putok ng baril at boses ng mga inosenteng nangangailangan ng tulong. Ito rin kaya ang taon na mananaig ang pag-ibig kasabay sa ipinaglalabang kalayaan? Si Dr. Jose Rizal ang tinaguriang pambansang bayani ng Pilipinas. Kinitil ang kanyang buhay sa harap ng sangkatauhan. Paano mo nga ba siya maililigtas, kapag binigyan ka rin ng pagkakataong makabalik sa nakaraan? Highest Rank #1 in Philippine History #1 in history Date Published: May 24, 2019 Date Finished: April 5, 2020