Masayahin, kalog at prangka yan ang katangian ni Jordan. Matalik itong kaibigan ni Ella at pinsan ni Alex. Siya ang naging breadwinner ng kanilang pamilya dahil naging iresponsable na ang kanyang mga magulang at dahil siya ang panganay sa kanilang magkakapatid. Marami sa kanyang nanliligaw ngunit binabasted nya ito. Kaya naman nagtataka ang kanyang mga kaibigan kung bakit single pa rin ito. Samantalang si Joseph Dela Torre naman ay isang kilalang playboy. Makikita sa kanya na iba't ibang babae ang kahalikan at kalandian nya. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. Sino ba naman ang hindi, kung makikita mo ang isang Joseph Dela Torre na gwapo, matangkad, macho na at sexy pa. Paano kung magkagusto sayo ang isang Joseph Dela Torre. Kilala mong isang playboy. Ano ang gagawin mo? Kaya mo pa bang magtiwala kung may karanasan ka na sa nakaraan mong kasintahan na playboy? Oh lalayuan mo siya kahit na mahal mo na siya? *Joseph and Jordan story* -Dela Torre brothers series 2