Bata pa lamang ay masidhi na ang damdamin ni Jen patungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang bayan-Ang Pilipinas. Sa araw ng kaniyang labing-pitong kaarawan, may isang kahilingan ang sa kaniya ay iginawad. Kasama ang kaniyang kasintahang si Nath, hiniling ng munting dalaga ang mamatay sa kasalukuyang panahon upang maranasang mabuhay sa nakaraang panahon. Nais nilang saksihan ang mga kaganapan nang magkaroon sila ng sagot sa lahat ng malalabo nilang mithiin. Ngunit ang tanong... Mamamatay nga ba sila sa kasalukuyang panahon? Mararanasan kaya nila ang mabuhay sa nakaraang panahon? Siya nga ba ang makakatuklas nito? O ang kasintahang wala namang interes ngunit suportado siya sa kaniyang hangarin?