Tanghaling tapat nasa loob na ako ng Aircon Bus kaso pinagpapawisan pa din ako. Ang tagal pang mapuno nitong sinasakyan ko. Luluwas kasi ako nang Maynila subukan ko ang swerte ko doon. At baka andun din makita ang the One ko. Naisipan kong manalamin muna. Tumalikod ako sa bintana ng Bus. Pumikit ako saka nagsalita. "Mirror. Mirror in my hand show me the man of my dreams.". saka ako nagmulat nang mata... nagulat ako nang makita ko doon si Dominico na nakatingin sa gawi ko. Nilingon ko si Dominico... nakatayo siya sa di kalayuan at nakatitig sa akin may hawak siyang Basket. Siguro nilalako nilang tatlo ang mga paninda nila. Guwapo si Dominico at matagal ko na siyang Crush pero hindi naman niya ako gusto man lang napakasuplado niya. Isa pa mahirap lang siya... may mga pangarap din ako... kahit pano gusto kong yumaman. Nakita ko si Evo. Kumaway siya ng umandar na ang Bus na sinasakyan ko... ni hindi man lang kumaway si Dominico nanatili lamang siyang nakatitig saka siya tumalikod... kasabay nang pagpatak ng mga luha ko... credit to the owner of the photo 😁
20 parts