Tuluyan nang nakauwi sa piling nina Bongbong at Liza ang kanilang anak na halos dalawampung taong nawalay sa kanila. At sa pagkakataong natagpuan na nila ang pinakamamahal na anak, ibubuhos nila sa kanya ang taos puso nilang pagmamahal bilang mga magulang. At sa pagpasok niya sa loob ng Malacañang, ang tahimik na buhay ay magbabago at makikita niya ang mga bagay at lugar na naging bahagi ng kasaysayan sa loob ng palasyo.