Si Tide ang klasing mananayaw na walang urungan kung sayawan ang labanan. Siya ang mananayaw na kahit hingal na talaga nang bongga, tuloy pa rin! Tuloy pa rin ang paghataw dahil iyon talaga ang kanyang kagustuhan. Iyon talaga ang tinitibok ng kanyang puso. Sayaw lang nang sayaw. Hataw lang nang hataw kung hanggang saan ang kaya. Dahil kung si Tide ang tatanungin, kahit ikamatay pa niya ang pagsasayaw, ayos lang, dahil nakasayaw naman siya at nagawa niya kung ano talaga ang isinisigaw ng puso niya.