I composed myself bago umalis at bumalik ng classroom. Kukonti palang ang mga estudyante sa loob nang makapasok ako. Tulala akong dumiretso sa aking upuan.
I sighed as I took out my phone from my bag.
Nag-isip ako ng aking i-t-type para kay L.
Me:
Sasabay ako sa mga kaibigan ko ngayong hapon. Don't wait for me.I just hope he won't sense the coldness in my tone even through the text.
Hindi pa man umaabot ang fifteen seconds ay agad na siyang nag-reply.
L:
Okay, baby, if that's what you want. I'll just call you then.I bit my lip at agad ng in-off ang aking cellphone.
Okay, this is the start. Simula ngayon, iiwasan ko na siya. Hindi na rin ako magre-reply pa sa mga messages niya. I know, this will make me unhappy. But then, life is not just all about happiness. We must sacrifice in order to achieve our desires.
Pero ano naman ang irarason ko sa kanya kapag nagtanong siya sa dahilan ng pag-iwas ko?
Napatingin ako sa pinto nang pumasok si Ara. Nagkatinginan kaming dalawa kaya nag-iwas ako ng tingin, trying to calm myself down.
I clenched my fist on my lap. Nalukot ang aking skirt dahil sa ginawa. I just wanna punch this bitch right on the face. Kung wala lang siyang hawak laban sa'kin, I would really do it.
"Oh? Ba't sa amin ka sasabay? Di ka ihahatid pauwi ni papa Liam?" takhang tanong ni Nikki nang sumama ako sa kanila mga five p.m after the classes in the afternoon.
Ngumiti lamang ako at piniling itikom ang aking bibig. Buti at hindi na sila nagtanong pa at isinabay ako.
Nakarating ako sa bahay at nasa kwarto ako nang inilabas ko mula sa bag ang aking phone. Ever since I turned this off ay hindi ko na ito muli pang binuksan.
I sighed as I put it in the drawer. Hindi pa man natatagalan ay hindi ko rin natiis ang aking sarili at muli itong kinuha. Sa tingin ko ay kailangan kong diretsohin si L. Hindi maaari na basta ko nalang siyang iwasan at hindi magparamdam.
I bit my lip as I turned it on. Ilang sandali ko muna itong hinintay at nang ma-open na ay nakita ko ang ilan niyang messages sa'kin. Napansin kong may tatlong missed call na rin siya.
Napalunok ako nang mag-vibrate ito para sa muli niyang pagtawag. I took a breathe many times and cleared my throat before tapping the answer icon.
"Are you home Becky?" agad niyang bungad nang masagot ko ito.
"Yes." I replied coldly
Pansamantalang natahimik ang linya. I wonder if he sensed something from my tone.
"I'm kind of worried. Tatlong beses kitang natawagan at hindi ka agad nakasagot." he spoke
"I'm sorry sir."
I even emphasized the word 'sir'.
I heard him sighed heavily.
"Do we have a problem, baby?"I opened my mouth many times but no exact words came out. I'm afraid that when I speak, my voice will tremble.
"Let's break up."
Ramdam ko ang pagtahimik niyang muli kaya inulit ko ang aking sinabi.
"I wanna break up with you."
"By what reason?" he responded coldly.
"Do I have to explain myself?" balik ko.
I just wanna slap myself right now for doing this. You love him Becky. How can you do this to him? He's been so good to you at wala ka ng mahihiling pa.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...