Kabanata 1

3.6K 94 16
                                    

"Guerrero!"

SHUTAA... ano nanaman ba?

"S-Sir?"

Masama ang tingin niya sakin

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

"Uhm-"

"Flirting during my class?"

"H-Hindi po sir. K-kwan, nagpapaturo lang po ako sa kanya about sa lessons niyo."

His brow lifted, in a mocking manner. Tiningnan niya ang katabi kong si Jeffrey na katulad ko'y kabado rin. Tumaas ang sulok ng kanyang labi. Pagkaraan ay bumalik sa akin ang tingin.

"Ba't sa kanya ka nagpapaturo? Siya ba ang professor mo sa calculus?"

"H-hindi po sir."

"Kung ganun, sino?"

Tss...

"I-ikaw po... sir"

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. His presence screams the power of dominance. It was like he can easily boss people around him. Looking at him makes my knees tremble.

"Now that you know, sa akin ka magtanong at huwag sa kaklase mo. Are we clear?"

Tumango ako

"Move your things. Dito ka sa harap."

WHAT?

"P-pero kasi... komportable na ako sa arrangement ko sir."

"And I'm not."

Busangot kong kinuha ang aking bag at tumayo.

"Miss Madrigal, exchange seats with Miss Guererro."

Tahimik na nagligpit ng gamit ang kaklase kong nasa unahang row. Kapansin-pansin ang katahimikan sa buong kwarto. Ganito talaga kapag class period ni Sir Liam, takot silang mag-ingay. But I know, they are silently watching every scenes, creating murmurs inside their mind.

Thankfully, the class went well without him getting furious. Puro lecture lang ang ginawa niya ngayong araw but I'm sure tomorrow may ibibigay siyang short assessment for sort of review.

Lunch time, nasa cafeteria kaming lahat na magkakaibigan. I'm silently eating while they're talking about stuffs.

"Alam niyo si Professor Liam? May pakiramdam akong natitipuhan niya itong kaibigan natin."

Natigil ako sa pagsubo at napainom ng tubig.

"Yeah right, kapansin-pansin nga naman." pagsang-ayon ni Althea

Napatingin silang lahat sa akin

"What do you think Becky?" taas ang kilay na tanong ni Nicole sakin

Nag-iwas ako ng tingin. "Tss..."

"Hayy... kainggit ka naman Beck. Isipin mo ang daming nagkakagusto sayo kasi ang ganda-ganda mo." pangalumbaba ni Nikki

"Maganda din naman kayo ah" ako

"Pero hindi katulad mo." balik nila

I sighed

"Pero kung ako sayo sis, matagal ko na yang sinunggaban si Sir. Ano kaya kung-"

Natigil si Althea nang makitang tumayo ako.

"Oh? San ka pupunta?" tanong nila

"Mauuna ako sa classroom"

"Pero hindi mo pa naubos itong lunch mo." si Nicole

"Kayo nang bahala diyan. Bye!"

Dali-dali akong umalis don. Ayoko kasi kapag ako ang palaging topic.

My Professor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon