Kabanata 10

1.9K 69 11
                                    

Mabilis na natapos ang weekend. Kung noon, hate ko ang araw ng Monday, ngayon naman, parang nagiging favorite ko na. Maaga akong nagising. Well, I'm excited to see L today.

Right now, I'm still earning enough strength and confidence to face my friends and tell them about my secret relationsip with our professor. Somehow, gumaan ang pakiramdam ko sa kaalamang lahat ng ito ay alam na ng mga magulang ko. It's a bonus that they like L for me.

Nakapagbihis na ako ng aking school uniform. Nang maka-baba ako ay naka-serve na ang breakfast. Sabay kaming kumain nina mommy at daddy. I am at the middle of eating my food when suddenly, nakarinig kami ng busina sa labas.

"Manang Selya, paki-tingnan nga." utos ni mommy sa matagal na naming househelp.

"Opo ma'am." sagot nito at agad na dumiretso sa labas.

Maya-maya rin ay bumalik ito. "Nasa labas po ang boyfriend ni Miss Becky. Hinihintay niya po kayo at sabay daw po kayong papasok sa skwela."

Napakurap-kurap ako. "R-Really? Nasa labas siya?" 

Napahawak si mommy sa kanyang labi. "Sana po pinapasok mo siya manang."

"Inaya ko po kaso tumanggi at sinabing maghihintay nalang siya sa labas." sagot nito

Nang marinig ko ito ay dali-dali kong inubos ang aking pagkain.

"Oh, baka mabulunan ka." saway sa'kin ni daddy.

"Hayaan mo na Leonardo, nakakahiya namang paghintayin natin si Liam sa labas."

Daddy's brow furrowed while looking at mom. "I told you many times Rowena, it's Leonard."

"Well, it's your name. Ang tanda mo na ang choosy mo parin sa pangalan mo." pagsusungit sa kanyang ni mommy.

Napailing ako, mukhang mag-aaway pa yata yung dalawa. I got out of the dining room after I finished my food. Kinuha ko ang aking school bag na nasa sofa at agad na lumabas ng bahay.

Naabutan ko si L na nakahilig sa kanyang sasakyan habang pinaglalaruan ang susi sa kanyang kamay.

I smiled widely and instantly throw myself at him. Ngumisi siya at hinaplos ang aking buhok.

"My baby misses me, huh?" he teased

Nang makarating sa school ay nag-ingat kami na hindi makita ninuman na magkasama. It was my idea, actually. Ewan ko ba at parang wala siyang pakealam at hindi siya nababahala kung sakali ma'ng malaman ng lahat ang relasyon namin. I think mas gugustuhin niya pa yatang malaman ng lahat ito.

"Hayy... hanggang ngayon hindi ko pa rin natatapos ang tungkol sa research project na pinapagawa ng teacher natin sa Eng." wika ni Nicole

Nandito kami ngayon sa library, searching for books that could help us in our research project.

"Ako din naman ah? I'm already stressed lalo na't sa Friday na ang deadline." nguso ni Thea

"Sus, ako nga wala pang nasisimulan miski isa." sabat ni Nikki while licking her lollipop.

"Hmm... ano kaya kung mag-sleep over tayo para matulungan natin ang isa't-isa?" ngisi ni Thea

"Saan naman?" tanong ng dalawa.

Nakita kong napatingin silang lahat sa'kin.

"What?"

"How about kina Becky tayo?" Althea suggested.

My forehead creased.

"Pwede ba, Beck?" si Nicole

Napaisip ako. Well, hindi naman magagalit sina mom and dad. In fact, they will be surely thrilled. After all, kilala na nila ang mga kaibigan ko.

My Professor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon