I never thought that being in a relationship with L could lead far more greater. He's the perfect boyfriend every girl would be dreaming of.
But of course, mahirap din pala ang isang patagong relasyon.
Sa pagdaan ng mga araw, nagiging mas mahirap para sa'min. Lalo na kapag nasa public, wala kaming magawa kundi tingnan lamang ang isa't-isa. I think hiding from other people is our hobby just to see each other.
"This set-up is killing me." he complained
Napabuntong hininga ako. Well, we have nothing to do about this.
Thursday, kasama ko ang aking mga classmates sa field. We are practicing our dance steps in P.E. This is for our performance.
"Okay, quick water break muna." sabi ng group leader namin.
Sa katunayan, ako sana ang napili nilang maging leader pero tumanggi ako. I don't want heavy responsibilities.
"Hay, kapagod." ani Nicole at pabagsak na umupo sa damuhan.
I sat next to her.
Me and Nicole are in the same group. Sina Thea at Nikki naman ay nasa kabilang grupo.
"Pengeng tubig Cole, ubos na yung akin eh."
"Here"
She handed me her bottled water.
Pagkatapos kong uminom ay ibinalik ko ito sa kanya.
Tinawag na kami ulit kaya tumayo na kami para sana bumalik sa aming pwesto ngunit may humarang sa daraanan namin. It was a girl and a schoolmate of mine, namumugto ang kanyang mga mata at masama ang kanyang tingin sa akin.
"Do you need something?" tanong ko dito
"May kasalanan ka sa'kin." ramdam ko sa kanyang boses ang matinding galit.
"I don't remember having misunderstandings with someone." I responded, calmly.
"Well, ngayon meron na. Ikaw lang naman ang dahilan kung ba't kami nagkahiwalay ng boyfriend ko."
Tumaas ang aking kilay. "Ows, how so?"
She gritted her teeth, getting impatient. "He's got a crush on you. Ikaw ang dahilan kung ba't kami palaging nag-aaway. And now, he broke up with me and it's all because.of.you."
Natawa ako at napatingin kay Nicole na ngayon ay napapailing sa tabi ko.
I crossed my arms. "Ba't ako ang sinisisi mo sa pagkasira ng relasyon ninyo? Kasalanan ko bang mas maganda ako kaysa sa'yo?"
"Beck, please stop it. Pinapalala mo lang." si Nicole na pilit akong hinihila.
I look at at girl in front of me who now looks more furious. It looks like I angered her more.
"Walang hiya ka!"
Tinulak niya 'ko kaya bumagsak ako sa damuhan.
"Becky!"
Dinaluhan ako ni Nicole at tinulungang tumayo. I look at my elbow and saw that I got a small wound.
"Malandi ka!" sigaw ng babae sa'kin at nagpupumilit na lumapit ngunit pinipigilan siya ng mga kaklase ko na ngayon ay pinapalibutan na kami.
"Ano'ng nangyayari?" tanong nina Althea nang makalapit sa'min
I noticed that more people are now watching the scene. Kahit ang mga napapadaan ay humihinto at napapatingin sa direksyon namin.
"Ano ba! Bitiwan niyo nga ako! Malandi ang babaeng iyan! Pati yata si professor Liam ay nilalandi niya! Hindi na nakuntento at pati boyfriend ko!"
Kumuyom ang aking kamay.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...