Kinabukasan, nautusan ako ni mommy na ihatid ang lunch na ni-prepare niya para kay dad. Kahit na Sunday, may pasok parin sila.
"Dalhin mo ito sa office ng daddy mo. I'm worried, baka sa dami ng ginagawa ay hindi na nakakakain ng maayos iyon."
She gave me the brown paperbag.
Nakangusong tinanggap ko ito. "Ba't di nalang kayo mom? Tinatamad ako ngayon eh."
"Hay naku, naubusan na tayo ng mga supplies sa bahay kaya aalis din kami ngayon ni Manang Selya para mag-grocery. Paminsan-minsan lumabas ka naman hindi yung kinukulong mo palagi ang sarili mo sa kwarto mo. Napakatamad mo talagang bata ka."
Here we go, she's nagging again.
Hindi na ako nagreklamo pa at agad na pumayag sa utos niya.
Seriously? Why do mothers always tend to nag at their child?
But first, nag-ayos muna ako ng aking sarili. I wore a sleeveless top paired with ripped jeans and a sneaker.
Nang makarating ako sa building ng kompanya ay nagtanung-tanong ako kung saan ang opisina ni daddy. Buti nalang may nakapagturo sakin.
I knocked the door three times.
"Come in"
Nang marinig ko ang senyales ay agad kong binuksan ang pinto. Pumasok ako sa loob at nakita ko siyang abala sa pagtipa ng kanyang laptop.
"Dad" bati ko sa kanya
Nag-angat siya ng tingin sakin. "Becky? What brings you here?"
Napatingin ako sa mga papeles na nakatambak sa kanyang mesa. Ngayong stressed si dad, mas lalong nagmukha siyang matanda.
"Nautusan ako ni mom na dalhin sayo to. She's worried, baka daw hindi ka pa nakakain." I handed him the paperbag
"Ang mommy mo talaga." iling niya habang nakangiting tinanggap ito.
Tss...
Habang kumakain siya ay tinanong ko siya.
"Ba't ang dami naman niyan dad?" nguso ko sa mga papel na nakatambak sa kanyang mesa.
"Oh, I still have to check on that. Para mapirmahan na agad ng CEO."
"You look so stressed." komenta ko
"Wala ito kumpara sa nakatataas anak."
Kumunot ang aking noo. "What do you mean?"
"Sa laki ng problema, nasalo lahat iyon ng CEO. Buti nalang magaling siyang mag-manage kaya agad na naagapan at napabangon ulit ang ilang branches ng kompanya. But ofcourse, we have to help him by doing our responsibilities too. Kaya ito, tambak sa trabaho." iling niya
Nakaupo ako client's chair na kaharap ng table niya. Busy ako sa aking phone habang nakikinig sa kanya.
"But no one knows the CEO." dagdag niya
"That's ridiculous" tawa ko
"I'm telling the truth." seryoso niyang sabi.
"Why is that?" kuryoso kong tanong
Umiling siya. "Who knows? All I know is that, he's good at hiding his real identity."
Bumalik din si dad sa kanyang ginagawa matapos niyang mag-lunch.
Tumayo ako at nagdesisyon nang umalis. Ayokong maka-istorbo pa sa kanya.
"Alis na ako dad." paalam ko sa kanya
"Ingat ka"
Habang nasa loob ng elevator ay napatingin ako sa guy na katabi ko. Halos hindi ko makita ang kabuuan ng mukha niya dahil sa cap at mask na suot niya. Naka-black shirt siya and jeans.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...