Tulala akong bumalik ng aming classroom. Wala pang tao nang pumasok ako sa loob ng kwarto.
Pabagsak akong naupo sa aking upuan. I sighed as many thoughts kept coming into my mind.
Pakiramdam ko ay para bang pinaglalaruan ako ng oras ngayon. It was as if time passes too slow, for me to come to my realizations.
Paulit-ulit na pumapasok sa aking isipan ang mga sinabi niya kanina. Every words he utter is already enough to bring chills to my bones. Sometimes, he's too powerful that he can easily dominate every senses.
"Hey!"
Napalingon ako sa pintuan nang pumasok dito si Nikki.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ba't ka nandito? Asan na yung dalawa?"
Napanguso siya. "Ayun, iniwan ko. Inutusan pa kasi ng isang teacher eh. Alam mo na, mga guro ngayon, pala-utos."
Umupo siya sa bakanteng upuan sa aking tabi. Nangalumbaba siya habang ang mata ay nakatuon sa akin. "You know, I'm worried."
"Of what reason?" kunot noo kong tanong
"Dahil sa'yo"
I blinked. "Huh?"
"You see, nagwalk-out ka kanina. It only means that you're upset. Probably, it's all because of the scene earlier." Inilapit niya ang kanyang mukha sa'kin. "Tell me, masakit ba sa mata?"
Using my index finger, I pressed it on her forehead and pushed her face away from me.
"You're pissing me off. Umalis ka nga." inis kong wika
"Huwag ka ngang masyadong masungit diyan, di pa ako tapos."
Napailing ako at tamad na napabuntong hininga.
"Alam mo, yang si papa Liam, pinapaselos ka lang niyan."
Napabalik ang aking tingin sa kanya dahil sa kanyang sinabi.
"Isipin mo, hindi naman siya yung tipo na namamansin ng tao. He was a snob, actually. Pero kanina, dahil nakatingin ka, todo ang paglalandi niya."
Mahina ko siyang tinampal sa balikat.
"Tigilan mo nga ako. Kahit kailan talaga, yang bunganga mo." ngiwi ko
"Sus, totoo naman ang sinasabi ko, ah? Atsaka, alam mo, yang si Ara..." lapit niyang muli
"What about her?" agaran kong tanong.
"Sa tingin ko, may pagtingin rin yan kay papa Liam. Kasi kanina, ang sama ng tingin niya dun sa bagong teacher, parang papatay. Halatang nagseselos."
'Aba, napansin mo pala.' pakikisali ng aking isip ngunit pinili kong huwag itong sabihin.
"Ang babaeng yun, tahimik lang pero malandi rin pala." komenta ng walang preno niyang bibig.
Nang tumunog ang bell ay unti-unting nagsipasukan ang aking mga kaklase sa loob ng room kaya agad na bumalik si Nikki sa kanyang pwesto.
Tahimik kong kinuha ang aking notes mula sa aking bag, to prepare for the next subject. Umangat ako ng tingin at nakita ko ang pagpasok ni Ara.
Parang gusto kong tumawa. Para kasi siyang pinapalibutan ng makapal at maitim na ulap dahil sa busangot niyang mukha. Parang wala siya sa modo ngayon.
Is this because of what happened earlier? Masama parin ang loob niya sa mga babaeng lumalandi kay sir Liam?
Mali. Si prof Liam pala ang lumalandi. Tangina.
Puro lecture ang ginawa ng teacher namin sa sumunod na subject. Mabilis rin itong natapos.
"Prepare for the long test tomorrow. Don't forget to review your notes class." huling paalala nito bago lumabas ng aming kwarto.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...