I can't deny the fact that he's giving me various of gifts everyday. Seriously? Baka masanay ako.
Dahil sa gusto kong mag-ingat kami ay pasikreto niya itong binibigay sakin, yung hindi alam ng lahat.
Si Ara, siya yung napiling magiging representative ng section namin since hindi ako pwede, or should I say... hindi ako pinayagan.
Also, she volunteered herself to join which I find it weird. Sa pagkakaalam ko, wala siyang experience sa pagrampa at mahilig siya sa mga libro. Well, anyway, who knows? She's a fast learner. Maybe she wanted to try something new?
Linggo ng tanghali ay nagising ako dahil sa pag-ingay ng aking phone. Tss... istorbo sa tulog.
Nang sagutin ko ang tawag ay hikbi ni Nikki ang agad na bumungad sakin.
"What's wrong?" concerned kong tanong
"N-Nakipaghiwalay na sakin si Jake. A-and... matagal na pala siyang nagch-cheat sakin."
Napahilot ako sa aking noo. "Where are you?"
"C-Café" mahina ang boses niya na may kasamang hikbi.
"Saang café?" I inquired
Nang matanggap ko ang sagot niya ay agad kong pinutol ang tawag. Ni-dial ko din ang number nina Althea at Nicole, to tell them about Nikki.
Nang makarating ako sa kinaroroonan niya ay napailing ako. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa loob. Paano ba naman, she's crying loudly. Para siyang isang batang inagawan ng kendi.
"You're a mess" sambit ko at umupo sa upuang nasa harap niya.
Para bang wala siyang nakita at nagpatuloy lang siya sa kanyang pag-iyak.
"Stop it. Hindi ako pumunta dito para pakinggan kang umiiyak." inis kong asik sa kanya
Maya-maya din ay dumating sina Thea at Nicole.
"What happened?" agad na tanong nila at umupo sa malapit na upuan.
Hinahagod ni Thea ang likuran niya habang pinapatahan siya.
"Tss... I really hate this scene." bulong ni Nicole na nasa tabi ko.
"Me too" balik ko
"Ang hayop na yun, matagal na pala akong niloloko. Kung hindi nag-send ng picture ang schoolmate natin tungkol sa kanya na may kasamang ibang babae, hindi ko pa malalaman." inis na wika ni Nikki nang medyo humupa ang kanyang pag-iyak.
"Sa totoo lang, kasalanan mo kasi nagpaloko ka." diretsong sabi ni Nicole habang ako ay tahimik lang at nakikinig sa kanila.
"Cole, hindi ka nakakatulong." komenta ni Thea
"Bakit? Totoo naman, ah?"
"Kinausap ko siya tungkol sa picture, inamin din niya sa huli. At ang hayop, nauna pang makipaghiwalay sakin. Ako dapat yun eh!" pagpapatuloy ni Nikki
"Lahat ng lalaki, manloloko!" sigaw niya kaya napatingin ang mga tao samin.
"Stop it! Nakakahiya ka Nikki!" asik ni Nicole sa kanya
"What!? I'm telling the truth. Kaya ikaw Becky..." tingin niya sakin kaya napalunok ako
"What?" kabado kong tanong
"Kung sino man yang nanliligaw sayo, bastedin mo na agad. Pare-pareho lang silang lahat."
"Hoy Nikki, huwag mo ngang idamay so Becky dito." singit ni Nicole, halatang naiinis na.
"I think we need to get out of here, nakakahiya na itong kasama natin." saad ni Althea at hinawakan sa braso ang may sayad naming kaibigan.
Palabas na kami ng glass door nang may humigit sa braso ko. Nanlaki ang aking mata.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
Lãng mạnKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...