My jaw clenched as I stared at her for five seconds. Bumaba ang aking tingin sa kamay niyang mahigpit ang hawak sa dalawang kong kamay. Kung titingnan, she looks desperate right now.
But dang! I know this is coming. Noon pa man ay napapansin ko na ang mga kilos niya. Ang way ng pagtingin niya kay L, ang pagpapapansin niya, ang madalas na pagkislap ng kanyang mga mata sa tuwing napapadaan ito.
Malamig ko siyang tinitigan habang inaalis ang kanyang kamay na nakahawak sa akin.
"I can't help you." walang kakurap-kurap kong sabi.
Kumunot ang noo niya, nagtataka. "Bakit naman? This is easy. You are-"
"Your problems are yours, I'm out of it. And besides, I'm not fond of helping people with this kind of stuff. Especially to those I'm not really close with."
Napakurap-kurap siya. Mas lumapit siya sakin at nagmamakaawa akong tiningnan sa mata.
"I-I'll pay you."
I laughed mockingly. "Anong tingin mo sakin? Walang pera?"
"T-Then I'll-"
Napapikit ako. "Will you please stop it!? Sinasayang mo ang oras ko. Nothing can make me do something for you."
Tinalikuran ko siya at nagsimulang gumawa ng hakbang.
"You like him, don't you?"
Natigil ako sa paghakbang. I sighed as I licked my lips.
"Bahala ka kung anong gusto mong isipin." malamig kong wika.
Padabog kong sinara ang pintuan ng restroom nang makalabas ako.
That bitch! Ba't ko naman siya tutulungan?
That professor is mine and I don't have any plans of sharing him with anybody.
Salubong ang kilay ni L nang makapasok ako sa opisina niya.
"What took you so long?"
Ang kanyang braso ay agad na pumulupot sa aking bewang. Inamoy niya ang aking buhok at mahigpit akong kinulong sa kanyang bisig.
"Ah, I miss you so much." he groaned
"Hmm... ako din." I enhaled his scent.
Pagkatapos naming mag-lunch, he gave me something.
"What's this?" tanong ko
Siya na mismo ang nagbukas sa kulay purple na di kalakihang box. Nanlaki ang aking mata.
It was a bracelet made of diamonds. The diamonds look genuine. Sigurado akong hindi biro ang halaga nito.
Isinuot niya ang bracelet sa left wrist ko.
"Ang ganda." ngiti ko habang tinitingnan ito.
Itinaas ko ang aking kamay at itinutok ito sa kung saan natatamaan ng liwanag.
Nakatayo ako habang siya ay nakayakap mula sa likuran ko.
"Hmm... pambawi ko yan sa mga araw na wala ako. I'm glad that you like it." he breathed in my right ear
"L?"
"Hmm?"
I turned around and face him. Kinagat ko ang aking labi at tumingala sa kanya.
"Sinasagot na kita."
Nakita ko ang pagkagulat niya. Napalunok siya at ilang beses na napakurap.
Bago pa ako makapagsalita ay pinaulanan niya na ako ng matamis na halik. I don't know how to respond kaya pumikit nalang ako at nagpaubaya.
Our foreheads touched after the kiss.
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...