Kabanata 12

1.7K 59 10
                                    

Na-late akong nagising kina-umagahan. Paano ba naman, hindi ako masyadong nakatulog kagabi dahil sa dami ng mga iniisip ko. Sa katunayan, naguguluhan ako kung ano ang dapat kong unahin at kung anong aksiyon ang dapat kong gawin.

I am also feeling miserable right now knowing that my bestfriend is probably having a hidden feelings for the man I'm in love with.

Maaaring may damdamin siya para kay L pero I'm sure hindi niya magagawang gumawa ng hakbang laban sa'kin. I know deep within my my heart that she treasures our frienship so much. Even more than I do.

"What's wrong, baby? Is there any problem?" malumanay na tanong ni L.

Napansin niya siguro ang malalim kong pag-iisip. I'm thinking if I should tell him about the picture I recieved last night, and the threat.

"N-Nothing..."

Sa huli ay napili kong huwag nalang. Ayokong mabahala pa siya. Besides, it'll make no difference kapag sinabi ko. Ano'ng magagawa niya? The threat was meant for me. Gusto nitong layuan ko si L, or else ay ikakalat niya ang picture kapag hindi ko ginawa. But what advantage would it give the sender? Ba't niya ito ginagawa? Ba't gusto nitong paghiwalayin kami ni sir Liam? I'm sure there is a motive.

May hula ako sa aking isip kung sino ang pwedeng gumawa nito but I don't want to assume yet without much and further indication.

"You sure?" may bahid ng pag-aalala ang kanyang boses.

He's looking at me, carefully examining my emotions.

Pilit akong ngumiti at tumango sa kanya.

Sa school ay napapansin kong balisa si Nicole at may hinahanap.

"Ano ba Cole! Kanina mo pang hinahalukay iyang bag mo. Ano ba'ng hinahanap mo?" sita sa kanya ni Althea.

"Uhm..." she started hesitantly
"Nakita niyo ba ang sketch book ko?"

'Bingo', sabi ko sa aking utak.

"Hindi. Bakit? Naiwala mo?" si Thea

"Ano ba'ng kulay? What does it look like?" sunod-sunod na tanong ni Nikki

"Plain blue ang outer cover." she replied shortly.

I cleared my throat, the reason why they all turned their gaze at me.

"Ba't kasi di ka nag-iingat? Yan tuloy, naiwala mo." I taunted

Nakita kong napalunok siya at nag-iwas ng tingin. I'm wondering if she sensed something in my tone.

"Bumili ka nalang ng bago." Thea suggested

"H-Hindi pwede. Kailangan kong mahanap iyon." utal niyang sabi.

Tumaas ang aking kilay. "Why? May halaga ba yun sa'yo?"

"O-Oo naman. Nandun yung mga pinaghirapan kong sketches eh."

Nanliit ang aking mga mata at tumaas ang gilid ng aking labi. "Really? Anong mga guhit ba ang nakapaloob doon?"

Namula ang kanyang pisngi at hindi na nakapag-salita pa. I know, intinct ito para sa kanya na may alam ako.

As to what I have expected, she approached me during break time.

"Beck, can we talk?" I can sense from her voice that she's tensed.

"Okay. But where?" mahinahon kong sagot.

We decided na pumuntang restroom. After stepping inside ay sinarado namin ang pinto. The room was filled with silence so therefore we concluded that we are alone.

My Professor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon