Tumatak sa'kin ang mga sinabi ni Nicole. I didn't know that she have a keen observation.
Pagsapit ng umaga ay naghanda kami para sa panibagong araw ng skwela. Doing our usual morning routines and wearing our school uniforms before going downstairs.
Habang pababa kami ng hagdan ay umawang ang aking labi nang makita si L sa di kalayuan na kausap ni mommy. He's sitting on a couch while sipping a cup of coffee. Si mommy naman ay nasa pang-isahang sofa.
Narinig ko ang singhap nila sa aking tabi.
"Si sir Liam!"
"Your mother knows him already? Napakilala mo na siya sa parents mo?" Althea asked through a whisper
I nodded simply.
Lumapit kami sa kanilang direksyon. L smiled sweetly when he saw me.
"Morning" bati niya
"G-Good morning sir." balik sa kanya ng mga kaibigan ko.
Tinanguan niya ang mga ito at bumalik sa akin ang kanyang tingin.
"Girls, nakahanda na ang breakfast niyo sa dining room. You should proceed there at naghihintay sa inyo si Liam dito." utos ni mommy
Napatingin ako kay L. "Nakapag-breakfast ka na? You can join us."
"I'm done baby." sagot niya na ikina-pula ng aking pisngi.
Dinig ko ang kanilang hagikgik sa aking gilid.
Gosh, do he have to be this sweet in front of my friends?
"Don't worry, I already offered him a coffee, anak. Naghihintay siya sa labas at pinilit ko pang pumasok." wika ni mommy
"Sige na, mag-almusal na kayo. I'll accompany him here." she added
Dumiretso kami sa dining room. Habang kumakain ng aming almusal ay pinag-uusapan nila si L.
"Ang sweet ni papa Liam, ano?" tudyo ni Nikki sa'kin.
"Kailan mo pa siya naipakilala sa mommy mo?" tanong ni Nicole
"Last Sunday. Nakilala na rin siya ni daddy."
Tumango-tango sila at nagpatuloy sa pag-kain.
"Buti di sila nagalit? Especially that he's our professor?" maya-maya ay tanong ni Thea.
Umiling ako. "No, they actually like him."
After eating our breakfast ay bumalik kami sa sala. Tumayo si L nang makita kami.
"Let's go?" aniya
"Uhm... on the way pa raw yung driver namin eh." ngiwi ni Thea
"Sumabay na kayo sa'kin. Kasya kayo sa kotse ko." alok ni L
I nodded. "Oo nga, para sabay na tayo."
"Nakakahiya naman." alanganing sabi ni Nicole
"Naku, si sir na nga yung nag-alok mahihiya ka pa?" kontra ni Nikki sa kanya at excited na nagpaalam kay mommy bago lumabas ng bahay.
"Walang hiya talaga ang babae yun." I heard Cole mumbled bago sumunod kay Nikki kasama si Thea.
"We'll get going Madam. Thank you for the coffee." pormal na paalam ni L.
"You're welcome." ngiti ni mommy
I kissed my mom on the cheek bago kami sunod na lumabas ng bahay. Hawak niya ang aking kamay habang naglalakad kami.
"You're too formal to my mother." sambit ko
"I'm used to be this way. Especially when I'm handling business."
BINABASA MO ANG
My Professor's Secret
RomanceKung may kinatatakutan man ako sa mundong ito, yun ay ang professor kong terror. Ewan ko ba, ako palagi ang pinupuna. Kesyo ganito, kesyo ganun. Hot tempered din yun, idagdag mo pa na bayolente din. Lalong-lalo na sa oras ng klase niya. Naku, magkar...