Kabanata 21

1.9K 87 20
                                    

I closed my eyes and shook my head, not believing what she said.

"Uh... how about you...take a seat first?" iginiya ko siya paupo sa sofa.

Nang makaupo kami ay saka ako nagsalita. "I'm sorry, I can't help you."

She looks sad after hearing what I said.

"At kahit na gustuhin ko pa, hindi maaari dahil masyadong malabo ang mga sinasabi mo." dagdag ko pa

Napakurap-kurap siya. "S-So, you don't believe me?"

I sighed as I shooked my head.

"Becky, I'm telling the truth. Believe me."

Napailing ako. "How can I believe you, Ara? He's just a mere professor. Ano'ng kapangyarihan ang meron siya para gawin sayo to? He may be upset after knowing what you did but accusing him of doing these things to you is... ridiculous!"

"Masyado mong minamaliit ang kakayahan niya." aniya sa isang seryosong boses

Napaayos ako ng upo, now she's got my full attention. "H-Huh?"

Tumaas ang kanyang kilay. "Baka nakakalimutan mo, wala pang nakakaalam sa katauhan niya. His background profile is too private. We knew him only as a professor in our school. Who knows? Baka... ma-impluwensiya siyang tao."

Napakurap-kurap ako at napailing. "T-That can't be..."

"At... may sinabi siya sa'kin noong nagkausap kami." dagdag niya

Gulat akong napatingin sa kanya. "Ano'ng sinabi niya sayo?"

Nakita kong napapikit siya ng mariin. Sa nanginginig na labi ay nagsalita siya. "S-Something about... making me s-suffer."

I gasped and covered my mouth in shock. "S-Sinabi niya yun sa'yo?"

Alam kong nagalit nang husto si L dahil sa ginawa Ara. The same thing I know that he's mad at me. I witnessed it all as I have seen the look on his face. But I didn't expect that it'd lead to this.

He's professional, I know. Hindi niya ginagawang biro ang lahat. Kung ano man ang lumalabas sa bibig niya, tinutupad niya.

Now, there's no doubt that he really did this to Ara.

Nagulat ako nang hawakan ni Ara ang aking kamay. May pagmamakaawa sa kanyang mga mata habang tinitingnan ako.

"Do you believe me now? Please Becky, tulungan mo ako. Alam kong pakikinggan ka niya kapag kinausap mo siya. For sure you can change his mind. Please, nakikiusap ako." her voice broke when tears pooled in her eyes.

"I-I don't know what do anymore. My parents were so dissapointed in me. Alam mo kasi, ako lang ang inaasahan ng pamilya. Ako lang ang inaasahan nila na... makakapagpabago sa buhay namin, na balang araw, mai-ahon ko sila sa kahirapan. Right now, ikaw lang ang nakikita kong pag-asa. Alam kong nakakahiya itong ginagawa ko. Naging masama ako sayo, pinaki-alaman ko ang relasyon ninyo. And yet, here I am, desperately asking for your help." puno ng pagsisisi ang kanyang boses. I know right at this moment that she's sincere.

Should I help this girl? My heart says I should but my mind contradicts. Sinasabi ng utak ko na huwag ko siyang tulungan dahil naging masama siya sa'kin at baka ulitin niya pa ito. While on the other hand, my heart responds, saying that I should give her a chance.

Napahinga ako ng maluwag at unti-unting inalis ang aking kamay mula sa kanyang pagkakahawak.

"I don't know. Hindi madali ang gusto mong mangyari. We haven't talked yet and I'm still finding enough strength to face him. Dahil sayo kaya napilitan akong hiwalayan siya. Nasaktan ko ang siya at nagawa ko pang magsinungaling sa kanya. Kaya... huwag kang masyadong mag-expect na matutulungan kita."

My Professor's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon