SY-II

12 5 2
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙮𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨


"Mabuti naman at bumalik ka na. Ang tagal naming naghintay"

Nagising ako sa boses ni Mama.

"Kamusta ka? Bakit naman ngayon ka lang?"

Mabilis akong lumabas ng kwarto para tingnan ang kausap ni mama. Lalaki. Nakatalikod ito sa akin pero kilalang kilala ko ang hubog ng katawan nito. Isa lang ang kilala kong may gan'yang hubog ng katawan. Hindi ako maaaring magkamali.

"Sally anak!" tawag sa akin ni mama ng dumapo ang paningin niya sa direksyon ko. "Sally umuwi na siya..."

Hindi ko alam pero kinakabahan ako. Nanatiling nakatalikod ang lalaki sa akin.Nagpapalit-palit ang tingin ko sa kanila ni mama.

"Anak ang papa mo umuwi na" masaya muling sambit niya. Bakit ganun? Hindi ba't dapat ay matuwa pa ako dahil after 12 years umuwi na si papa? Kinakabahan ako.

Sa halip na lumapit ay dahan dahan akong umurong papalapit sa lamesang may punyal.

Anong bang ginagawa mo Sally?

Bago ko pa man maabot ang punyal ay humarap na si papa sa akin. Inangat nito ang kan'yang braso tila inaantay ang pagyakap ko.

Nangunot ang kan'yang noo ng hindi ako lumapit sa kan'ya. Unti unti itong humakbang papalapit sa akin. Patuloy naman ang mabagal kong pag-urong habang nakatingin sa kan'ya. Dahan-dahan kong kinapa ang ang punyal sa aking likod. Sa kamalasan nga naman nahulog pa ito sa sahig.

Ang atensiyon ni papa ay napunta roon matiim niyang tinitigan ang punyal bago muling ibinalik ang tingin sa akin ng may ngisi.Iba ang kutob ko.

Hindi ikaw ang papa ko!

Mabilis kong pinulot ang punyal at inihagis sa kan'ya. Tinamaan siya sa braso. Mabilis ang pagpatak ng itim na dugo mula sa kan'yang sugat na kasabay ng sunod-sunod na sigaw ni mama.

"Sino ka?!"

"Sally ako ito ang papa mo..." nakangisi niyang sambit "...hindi mo na ba ako matandaan anak?" naging matunog ang sunod niyang pagngisi.

"Huwag kang lalapit! Hindi ako magdadalawang isip na panain ka oras na humakbang ka pa!" mahigpit kong hinawakan ang palaso, ano mang oras ay pwedeng pwede ko itong bitawan.

"Anak ibaba mo 'yan hindi mo dapat ginagan'yan ang papa mo!" lumuluhang sambit ni mama. "Anak huminahon ka"

"Hindi siya si Papa Ma!"

"Sally makinig ka sa Mama mo"mapaglaro ang mga ngiti nito sa akin.

Hindi mo ako malilinlang.

" Aray!" mabilis akong napalingon kay mama. Natumba ito. Akma akong lalapit kay mama ,kinuha ng lalaking ito sa harapan ko ang pagkakataong iyon.

Nasipa niya ang hawak kong pana at mabilis ako nitong sinakal.

"Bi-bitawan mo a-ako!"

"Sally makinig ka..." anas nito sa aking tenga. "Patay na ang papa mo!"

Natigilan ako.

Patay na ang papa mo!

Patay na ang papa mo!

Patay na ang papa mo!

Patay na ang papa mo!

Mabilis ang pagpatak ng luha ko na kasabay ng pagpiing ko.

Hindi!

Hindi maaari!

Buhay pa si Papa!

Hindi. Hindi. Hindi.

"HINDI!!!" malakas kong sigaw.

Nagbukas ang pinto at bumungad ang nag-aalalang si Mama. "Sally anong nangyayari? Ayos ka lang ba anak?" mabilis akong napahikbi ako ,agad namang lumapit si mama para yakapin ako.

"Mama" patuloy akong umiyak sa kaniya.

"Shhh... tahan na anak, anong bang nangyari? Nanaginip ka ba anak?"

Oo Ma! sobrang sama. Gustohin ko mang isatinig ang mga salitang 'yan ay hindi ko magawa. Tanging hikbi lang ang naisagot ko kay Mama.

"Tahan na anak andito na si Mama"

"Ma"

"Hmm?"

Tumingin ako sa kaniya. "Buhay pa naman si Papa hindi ba?"

Ngumiti siya sa akin.

"Magpahinga ka na, hindi mo kailangang magduda. Nangako ang papa mong babalik siya hindi ba? Maniwala ka sa kaniya Sally" mapait ang ngiti sa kan'yang mga labi.

Mahigpit ko siyang niyakap. Alam kong hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya tulad ko. Hindi pa rin maalis sa sistema namin si Papa kahit na gaano pa katagal na panahon ang lumipas.

Hindi ko na alam kung paano ako nakatulog ulit. Nagising na lang ako ng tumunog ang orasan sa tabi ko. Nag- ayos na ako para sa klase. Nang lumabas naman ako ay handa na ang umagahan.

"Asan si Mama?"

Ibinitang niya ang pinggan sa harap ko bago ako sinagot.

"Sa Norte" makahulugan niya akong pinakatitigan. Alam ko na agad ang ibig niyang sabihin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko si Mama.

Hindi man niya sabihin kung ano ang ginagawa niya sa Norte. Alam kong may kinalaman ito sa paghahanap kay Papa.

Napabuntong hininga na lang ako bago nag almusal. Siya ang nagsabing magtiwala. hayst.

" Sa tingin niyo ba 'ta Alma babalik pa si Papa?"

Walang reaksiyon siyang tumingin sa akin pero alam kong nalulungkot siya para sa akin. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang kakayahang ito pero pakiramdam ko nakikita ko ang tunay na nararamdaman ng mga tao sa kabila ng ekpresyong pinapakita nila.

"Maghintay. Iyon lang ang maari nating gawin Sally." ang tangi niyang sagot.

Gustohin ko mang magtanong ulit ay hindi ko na nagawa. Dumating na si Matt para sunduin ako. Nakangiti niya akong binati ngunit hindi ko na naibalik sa kaniya iyon, masyadong marami bumabagabag sa isip ko.

Anong ginagawa ni Mama sa Norte? Sino ang pinupuntahan niya roon? o meron nga ba siyang pinupuntahan?

Pakiramdam ko ay marami pa akong dapat malaman tungkol kay Mama pati na rin sa tunay na pagkatao namin. May dapat pa nga ba akong malaman? O nahihibang lang talaga ako at nasosobrahan na sa pag-iisip.Kumunot ang noo ko sa mga iniisip.

"Hoy! Ayos ka lang ba huh?" pagtatanong sa akin ni Matt pagkatapos akong pitikin sa noo. " Kanina pa nakakunot ang noo mo may problema ba? Parang masyadong malalim ang iniisip mo ah"

"Wala 'yon"

"Hay alam mo Sally kung iniisip mo ang future natin 'wag ka mag-alala dahil sasagutin naman kita" saad niya umakbay pa.

"Baliw! Mangarap ka!" binatukan ko.

"Aray! ikaw na nga itong pinapatawa eh HAHAHA"

"psh."

Nagpatuloy kami sa paglalakad mahirap ng mahuli sa klase at baka maparusahan na naman kami ni Matt.

Walang kataposan ang pagkwekwento niya tungkol sa paglalayas nila kasama ang kapatid niya. Masaya niya iyong inalalahad sa akin. Wala mang katuturan ay pinapakinggan ko pa din lahat.

"Napakabaliw talaga ng kapatid kong iyon minsan ang sarap din kutusan"

"Baka naman kasi inggit ka lang " natatawa kong pang- aasar.

Pikon siya. Bahagya niya akong tinulak hindi ganun kasapat para matumba ako ngunit meron akong tinamaan. Nahulog ang mga gamit niya mabilis kaming dumulog para tulungan siya.

"Naku pasensiya ka na." hindi siya sumagot mabilis niya itong pinulot na tila nagmamadali. Mas binilisan pa namin ang pagpulot.

Inipon ko ang mga papel at aklat niya. Natigilan ako bigla akong kinilabutan ng hawakan ko ang isa sa mga libro niya. Ang ... Ang simbolong ito...

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now