𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
Asan na ba kasi 'yon? Paulit-ulit kong binuksan ang mga drawer sa kwarto. Maging sa ilalim ng kama ay tiningnan ko na. Inisa-isa ko rin ang mga aklat sa study table pero wala talaga. Nawawala iyong libro!
Hindi kaya kinuha iyon nung lalaki kagabi? NAKAKAINIS! Pero baka nandito lang napasiksik kung saan.
"Asan ka na ba kasi?"
Sunod-sunod na katok ang narinig ko. Si Mama. "Sally ano ba. Kanina pa nag-hihintay si Matt ano ba kasing ginagawa mo pa?"
Frustrated kong sinabunotan ang sarili. Nakakainis talaga. Grrr. Lumabas ako sa kwarto ng frustrated. Hindi ko maalis ang pagkainis hanggang sa marating namin ang school.
"Hoy!" sinuntok niya ako ng mahina "Ano bang problema mo?Kanina pa gan'yan ang mukha mo. Ang pangit huh!" natatawa niyang pang-aasar.
Inirapan ko lang siya wala ako sa mood sak'yan ang biro niya. "Sabihin mo nga pinahirapan ka ba ni Primo kahapon?"
"Hindi."
"Eh bakit gan'yan ang mukha mo?"
Hinarap ko siya. "Matt! May nahanap na akong libro tingin ko may kinalaman iyon sa lahat ng hinahanap natin. Kaso nakasulat 'yon sa ibang lengwahe. May mga tao at nakita ko rin 'yong simbolo doon."
"Oh edi good news... bakit gan'yan ang hitsura mo para kang nalugi"
"Nawawala 'yong libro" inis kong sambit.
"Ano!? Saan mo ba inilagay?"
"Basta paggising ko wala na... " problemado kong paliwanag "...baka kinuha 'yon nung lalaki" inis kong bulong.
"Lalaki? Sinong lalaki?" napatingin ako sa kan'ya. Sabihin ko ba 'yong nangyari kagabi? O huwag na dahil baka lumala pa lalo. Ayaw ko siyang madamay.
"W-wala..." mapanuri niya akong tinitigan. " May lalaki doon sa libro. Oo 'yon ." palusot ko.
"Sinasabi mo bang kinuha nung lalaki iyong libro. At ang lalaking iyon ay 'yong nasa libro" he said with a poker-faced.
Napangiwi ako. Mali yata ang alibi ko. "Basta Matt!"
"Sally kilala kita. May nangyari ba? Alam kong may nililihim ka"
Naupo kami sa bench. Masuri niya ako tinitigan. Napabuntong hininga ako bago nakapagsalita.
"Kagabi ba hindi nawalan ng ilaw sa inyo?"
Nangunot ang noo niya. "Hindi."
Katulad ng inaasahan kong sagot. Malamang ay sa amin lang 'yon o 'di kaya'y sa kwarto ko lang.
"Namatay ang ilaw sa kwarto ko matapos kong makita 'yong isa sa mga larawan na pamilyar sa akin—"
"Ano!? Hindi ba—"
"Matt..." pag-aawat ko sa kan'ya. "...Makinig ka muna!" Hindi naman siya nagsalita ulit.
"Matapos mamatay 'yong ilaw ay may tumutok sa akin ng patalim. Hindi ko siya nakita pero nasisigurado kong lalaki siya."
"Hindi ka ba niya sinaktan o ano man? Tingin mo isa ba 'yong behemoth?"
"Hindi ko alam" pilit kong inaalala 'yong nangyari kagabi. Hindi siya tao ngunit hindi rin siya 'yong behemoth na alam ng lahat. Ayon sa pagkakaalam ko ang mga behemoths ay mabalahibo na parang werewolf may katawan ng tao pero katakot-takot ang hitsura. "Para lang siyang tao."
"Pero hindi ba't parang tao din ang mg—"
"Oo alam ko" pagpuputol ko sa kan'ya "Iba kasi eh. Nararamdaman kong hindi siya ganoon. Pero sabi niya hindi siya tao."
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampirosAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...