𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
"Sally sabi ng Lolo daan raw tayo mamaya sa kaniya pagkatapos ng pagbibigay ng kagamitan"
"Sige."
Maayos kaming pumila para kuhain ang mga uniporme at kagamitan. Limang araw na lang bago ang paglabas kaya naman inaayos na ang lahat. Nagsimula na ring mag-ensayo ang ibang PSC officers kasabay namin. Naging mas mabibigat ang ensayo at mas naging mahigpit sa paglilinis ng mga galaw.
Araw-araw kaming nawawalan ng lakas tanging tulog lang ang nagiging kuhaan namin noon. Kinakabahan na rin ako dahil ngayon ang umpisa ng ensayo ko kasama si Primo. Ayon kay Mr. Green mas magandang mag-ensayo ako kasabay ni Primo dahil mas mahahasa raw ako lalo na at ako ang mata ng hukbo.
"Sally pinapatawag ka na ni Primo" ani ni Kera. Tumango naman si Matt sa akin bago siya sumunod kay Kera para muling mag-ensayo.
Tinungo ko na ang silid kung nasaan siya. Bahagya lang ang naging paglingon ni Primo ng pumasok ako sa silid, pinupunasan niya ang mga punyal na akala mo sobrang kapal ng alikabok noon. Napangisi ako dahil mukha siyang seryosong-seryoso roon.
Bibiruin ko pa lang sana siya ngunit naudlot yun dahil kinailangan kong umiwas sa binato niyang punyal. Gulat na gulat akong napatitig sa kaniya, tiningnan ko rin ang punyal na kanina'y pinupunasan niya ngayon ay nakabaon na sa dart board. Papatayin niya ba ako? Mukhang hindi na ako aabutin ng paglabas dahil dito pa lang ay nanganganib na ang buhay ko.
"Primo—" hindi ko na yun nasundan ng sunod sunod niyang itapon sa'kin ang mga punyal. Gusto ko siyang galitan sa ginagawa niya, nababaliw na ba siya? Patuloy lang siya sa paghagis ng mga punyal papunta sa akin ganoon na lang rin ang iwas ko. Gusto kong magtanong kung anong problema niya ngunit masyadong seryoso ang mga mata niya.
Nang maitapon niya ang huling piraso ng punyal ay saka lang ako nakahinga ng maluwag. Hingal akong napahawak sa bewang ko at dahang pinagmasdan ang mga punyal na lahat nakabaon kung saan saan. Tss.
"Ahhh!" napaluhod ako ng sipain ako ni primo sa hita. Galit ko siyang nilingon. Kairita ang isang ito.
"Hindi mo dapat inaalis ang mata sa kalaban. Ikaw ang mata ng hukbo oras na mawalan ka ng focus manganganib ang lahat. Hindi natatapos ang pag-atake hangga't walang liwanag Sally. Ang panandaliang pagtigil ay hindi dapat binabalewala. "
Inalok niya ang kamay sa akin para tulungan akong tumayo. Itinuro ni Primo ang ilang mga galaw na maaaring gawin sa oras ng pag-atake ng kalaban. Sinabi niya rin sa akin ang mga dapat tandaan at maaaring gawin ng mga behemoths. Nagpatuloy lang kami sa pag-e-ensayo, may gamit at walang gamit na armas.
Naramdaman ko lang ang pagod matapos akong bumagsak sa sahig dahil sa maling pag-atake kay Primo. Tatawa-tawa siyang naglakad papalayo at kumuha ng inomin. Hingal na rin siya at pawisan tulad ko. Naupo siya at uminom ng tubig, tinaasan niya ako ng kilay.
"Wala ka bang balak bumangon, Sally?"
Kinunotan ko siya ng noo, binigyan niya naman niya ako ng nagtatanong na tingin. Kanina pa rin kasi ako nagtataka. Bumangon ako at naka Indian sit na humarap sa kaniya.
"Bakit Sally ang tawag mo sa akin?"
Siya naman ang kumunot ang noo. "What do you mean? "
"You're suspicious." tumayo siya, dala ang isang bote ng tubig ay naglakad siya papalapit sa akin. Inilapit niya ang mukha sa mukha ko bago muling nagtanong.
"What do you mean Sa-lly?" pagsadya niyang bigkas sa pangalan ko kasabay ng pagbitang niya ng bote sa gilid ko.
"You don't call me Sally when we're in school" napangisi siya at iiling-iling na tumayo ng matikas sa harap ko. "Bakit Primo?"
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampiroAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...