SY- XIX

10 1 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨

Isang mahigpit na yakap ang sinalubong sa akin ng humahagolgol kong ina. Anong nangyayari? Tumingin ako kay tita Alma, ngumiti lang ito.

"Ma" hinawakan ko siya sa braso. "Anong nangyayari sa'yo?" hindi niya ako sinagot patuloy pa din ang paghikbi niya.

"Anong ho bang nangyayari?" nag aalala na ako. Kanina pa umiiyak si Mama. Lumapit lang sa akin si Tita Alma at hinawakan ako sa balikat.

Matamis na ngiti ang binigay niya sa akin. Nagugulohan ko lang siyang tinitigan. "I'm proud of you Sally, Congrats Naytre"

Muntik na akong matawa pero ang rude noon kung tatawanan ko ang umiiyak kong ina. Ngayon alam ko na kung bakit siya umiiyak.

"Ma naman eh akala ko kung ano na nangyari kung makaiyak ka naman" hinampas niya ako sa braso.

"Baliw ka ba huh? Paano kung mapahamak ka?" umiiyak pa niyang pagalit sa akin. Tumawa ako. Naiintindihan ko naman na nag aalala lang siya sa akin.

Hindi na ako nagtanong kung paano nila nalaman agad ang balita dahil hindi naman malabong naipaalam na ito ng Northwoods sa lahat. Huminahon din si Mama matapos ang ilang minutong paghagulgol. Natatawa na lang kami ni Tita Alma sa kaniya. Nagbihis ako at sabay sabay naming pinagsalohan ang hinandang haponan ni Tita.

Binati na ako ni Mama ngunit konting kalabit sa kaniya ay naiiyak siya. Hindi ko tuloy mapigilan na matawa. Hinahampas niya ako at pinapagalitan na huwag tumawa dahil hindi ko daw alam ang nararamdaman niya. Sinamahan ko pa siya sa silid niya para makapagpahinga. Maluha luha pa siya ng mahiga sa kama.

Kahit naman ako ay nag aalala sa kaligtasan ko. Buhay ang nakataya sa mga oras na lalabas kami ng gabi. Hindi ko hahayaang masaktan ang sarili ko para kay Mama.

KINABUKASAN ay inanunsyo ni Mr. Green ang mga oras ng ensayo namin. Dalawang linggong pagsasanay bago ang araw ng aming paglabas. Lahat ng napili ay hindi na kailangang pumasok ng klase dahil maghapon ang ensayo.

"Sally!" pagtawag ni Matt kasabay ng paghagis niya ng bote ng juice.

Binuksan ko at ininom naman 'yon. Hinihingal din siyang naupo sa tabi ko.

"Ang pagod." aniya " mas nakakapagod sa mga ensayo natin noon."

Sumimsim akong muli halos maubos ko 'yon dahil sa uhaw ko. " Ganoon yata talaga, dalawang linggo lang paghahanda natin."

"May nalaman ako." tumataas ang kilay na baling niya sa'kin.

"Ano naman 'yon?"

Lumapit siya sa tenga ko atsaka bumulong. "Crush mo daw ako." tamad ko siyang tinitigan.

Malakas na tawa naman ang ibinalik niya. Hindi ko alam kong kailan ba titino ang lalaking ito.

"Hindi seryoso na" saad niya nang makabawi mula sa pagtawa. "Ang sabi sa unang araw magmamasid sila Maestro. Magbabantay sila sa atin."

"Baka para din 'yon sa kaligtasan natin. Mabuti na iyong may magbabantay sa unang araw."

"Hindi lang 'yon!" muli siyang lumapit para bumulong. "Pwede pa daw palitan ang mga napili sa oras na pumalpak sa unang araw."

"Saan mo naman nalaman ang mga 'yan?" kunot-noo kong tanong sa kaniya.

Ang daming nalalaman ng lalaking ito.

"Basta diyan lang haha."

MATAPOS ang oras na binigay sa amin upang magpaghinga ay muli kaming bumalik sa pagsasanay. Tunay na mga punyal na ang ginagamit ng bawat isa. Itinuro rin ang ibang mga bagay na hindi itinuro noon. Nililinis ang mga galaw namin, pati ang kilos ay dapat mabilis.

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now