SY-III

14 4 2
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙮𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨


Nanginginig akong tinitigan iyon. Hindi ko alam kung bakit ganun ang naramdaman ko. Lahat sa akin ay kinilabutan.

"Sally?" nabalik ako sa mundo ng tawagin ako ni Matt. Mabilis namang inagaw sa akin ng babae ang libro at umalis ng walang sinabi.

Gusto kong magtanong pero hindi ko alam kung ano. Anong meron sa simbolong iyon bakit parang nakita ko na? At bakit ganoon ang naramdaman ko?

"Hoy Sallyiannie ako ay kinakabahan na sa'yo. Anong bang nangyayari? Ayos ka lang ba talaga?"

"Iyong libro..."

"Oh anong meron? pambihira iyong babaeng iyon wala man lang sinabi o nagalit man lang"

"Matt 'yong libro nakita mo ba?"

"Alin doon? Napakarami nung librong dala niya" nagtatanong ang titig niya sa akin.

"Iyong hawak ko... 'yong inagaw niya sa akin kani-kanina lang. Yung simbolo pamilyar sa akin parang... parang nakita ko na"

Malakas namang tumawa si Matt. Nagtataka ko siyang pinakatitigan. Patuloy siyang tumawa halos mangiyak-ngiyak.

"Nagpapatawa ka ba Sally? HAHAHA..." nagtataka ko pa rin siyang tiningnan "Malamang pamilyar iyon sa'yo dahil libro natin iyon sa Kasaysayan, ano ka ba naman" tumatawa pa rin nitong dagdag.

Nangunot naman ako lalo anong sinasabi niya? Hindi niya nakita 'yong simbolo? Mas lalo akong naguluhan. Bakit ganoon?

Umakbay siya sa akin " Huwag ka na nga magpara-isip ano ka ba. Sa susunod iisipin ko ng nababaliw ka na HAHA "

Nakaakbay siya sa akin hanggang sa makapasok kami sa una naming klase.

Tatlong minuto bago tuluyang nag-umpisa ang klase. Ang eskwelahang ito ay hindi katulad ng mga eskwelahan sa siyudad na nag-aaral ng agham at pilosopiya. Malayong malayo ang mundo namin sa mundo nila. Ang mga nakakataas ay ang may kapangyarihang magsanay at gumamit ng iba't ibang patalim. Ang hindi ay nanatili sa simpleng pagsasanay gaya ng pagbabasa at iba pa na walang kinalaman sa pakikipaglaban.

Mabilis na naagaw ang atensiyon ng lahat ng dumating pinakagalang-galang na Maestro. Lahat ay maayos ang pagkakaupo at tila pinipigilan pa ang paghinga.

"Lahat ng estudyante ng Northwoods ay lubos na pinag-iingat at ipinagbabawal na pumunta sa Erinhills mula ngayon. Ang sino mang mahuli o makita kahit sa paanan ng burol ay papatungan ng mabigat na kaparusahan!" kalmado ngunit may diin nitong anunsiyo.

Nagbulungan ang lahat sa biglaang desisyon ng Maestro. Bakit ipinagbabawal? Anong meron?

"Alam niyo ba kung bakit pinagbabawal na nila?"

"Ang alam ko isa sa mga estudyanteng clerk (tawag sa mga estudyanteng mababang antas) ang natagpuang patay roon kahapon"

"Oo at ang sabi pa ang mga halimaw daw sa dilim ang hinihinalang nagpatay...eh nakakatakot"

Sa narinig ko mukhang hindi ko na kailangang magtanong pa. Kung ang halimaw nga sa dilim ang may gawa ibig sabihin...nasa labas siya ng sumapit ang dilim. Mas lalong nag ingay ang buong area ngunit natahimik rin ng muling magsalita ang Maestro.

"Walang estudyante ang maiiwan pagkatapos ng klase" huling sambit nito bago tuluyang nilisan ang silid.

Mas lalong nagbulongan ang mga estudyante pati ang professor namin ay parang nawala rin sa sarili.

"Be quiet, stay inside. Walang lalabas hangga't hindi ako nakakabalik. Understand?" wika nito bago pinanhik ang daan papalabas.

Ang lahat ay hindi mapakali kaliwa't kanan ang bulongan. Ang iba naman ay tila maiyak na sa takot.

"HALIMAW!!" sigaw ng isa sa mga lalaki sa amin. Mabilis itong tumakbo pababa, nagsunodan naman ang mga babaeng takot at sumisigaw. Mabilis na lumapit sa akin si Matt at hinawakan ang braso ko.

Sa sobrang dami namin sa loob at halos natataranta ay hindi namin makita ang sinasabi ng lalaki. Nagkagulo ang lahat. Nagtutulakan at sumisigaw. Mahigpit kong hinawakan ang punyal habang dahan dahan kaming lumalapit ni Matt sa pinanggalingan ng lalaki kanina. Nang marating namin iyon biglang...

Malakas na tawa ang bumalot sa buong silid. Lahat kami ay napalingon sa pinanggalingan noon. Ang pangambang aming naramdaman kani-kanina lang ay napalitan ng inis. Tuloy tuloy na pagtawa ang ginawa ng lalaki na kanina ay halos madapa na sa sobrang taranta.Ang iba ay nakitawa na lang rin sa kaniya.

Hindi magandang biro.

Hindi nakakatuwa.

Nawala ang tensyon sa loob ng kwarto hanggang sa dumating ang aming guro. Naging normal ang klase buong maghapon na tila ba walang anunsiyong nangyari kanina.

Matapos ang klase namin sa kasaysayan ay nagyaya rin agad si Matt na umuwi. Ani niya'y mahirap ng mapatawan ng parusa ng Maestro. Nang makalabas kami sa pultahan ay muli kong nakita ang babaeng nabangga namin kanina. Lumilinga-linga ito,nagmamasid?. Mabilis siyang lumiko sa maliit na daan. Kung hindi ako nagkakamali isa iyon sa mga daan papuntang Erinhills.

Hinila ko si Matt ng walang pasabi umangal pa ito nung una ngunit nagpatianod rin sa akin. Nang maging pamilyar siya sa daang tinatahak namin ay mas lalo siyang nagreklamo.

"Sally anong ginagawa mo? Hindi ba't daan ito papuntang Erinhills? Alam mong bawal tayo dito. Kapag nahuli tayo Sally alam mong-"

"Shhh... Matt pwede ba? mas mahuhuli tayo dahil diyan sa bunganga mo!" Masamang tingin lang ang ibinalik niya sa akin.

Nakita kong muli ang babae na umaakyat na sa burol. Sinundan lang namin siya.

"Hindi ba't iyan 'yong nabunggo mo kanina?" maya-maya'y saad niya. Tumango lang ako bilang tugon. "Anong ginagawa niya dito? hindi ba't bawal? Baka madamay tayo Sally halika na!" dagdag pa niya.

"Matt kailangan nating malaman kung anong ginagawa niya dito"

"Sally wala na tayo dun, labas tayo sa issue niya"

"May kutob akong may alam siya"

"Saan? Sa pagkamatay nung isa sa mga clerk?" nagtataka niyang tugon.

"Hindi ko alam pero tingin ko may alam siya tungkol sa mga behemoth"

"Ano?!" napalakas niyang tugon.

Lumingon sa gawi namin 'yong babae kaya madali kaming nagtago sa malaking puno. Matalim ko namang pinakatitigan si Matt.

"Sorry okay" he mumbled.

I rolled my eyes in irritation. Madahan kong sinilip 'yong babae kanina ngunit wala na siya.

"Fvck it!... wala na siya. Malamang sa malamang narinig ka niya Matt" may paninisi sa tono kong sambit.

Umakyat kami sa burol nagbabaka-sakaling andun siya ngunit wala kaming dinatnan.

"Umamin ka nga sa'kin Sally! Ano ba talagang nangyayari? Ano bang gusto mong mangyari? Kaninang umaga ka pa parang wala sa sarili. Tapos ngayon heto tayo sa ipanag babawal na lugar." bwelta sa akin ni Matt ng makababa kami sa burol.

"Matt hindi ko rin alam. Gusto kong masagot lahat sa isip ko. Pasensiya na nadadamay ka pa"

"Ano ba kasi talagang gusto mong malaman? At tsaka 'yong simbolo na sinasabi mo ano bang hitsura? Bakit hindi ko nakita?"

Hindi ko alam. Lahat na lang hindi ko alam ang sagot. Kailangan kong makausap ang babaeng iyon. At iyong simbolo saan ko ba 'yon nakita noon?

"Mr. Sua... Ms. Crossiette..." sabay kaming napalingon sa boses na pinanggalingan noon.

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now