SY-XXIII

4 1 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨

"Sally mag-iingat ka"

"Ma uuwi ako ng buo bukas na umaga"

"Siguraduhin mo lang talaga na wala kang galos bukas naku Sally! "

"Ma—"

Kung nag-aalala ka, ako rin naman. Natatakot ako sa maaaring mangyari mamaya. Ngunit para rin ito sa atin, hindi ko alam kung ito ba ang tamang gawin dahil wala naman na akong maisip na ibang paraan. Ito ang pangarap ni Papa para sa akin. Ang nais niya ay maprotektahan ko ang aking sarili at si Mama.

"Mag-iingat ka Sally nag-aalalang yumakap sa akin si Tita Alma. Hihintayin namin ang iyong pagbabalik. "

Ngumiti ako sa kaniya at ginantihan ang kaniyang yakap. "Kayo rin ho Tita."

Hindi na ako nagtagal sa bahay dahil baka mauwi lang kami sa iyakan. Sa lagay ni Mama kanina ay alam kung ano mang oras ay pipigilan na na niya akong umalis. Isang gabi lang naman ito Sally, babalik ka rin pagsapit ng bukang liwayway.

"Sally handa ka na ba? Kinakabahan ako."

"Mahina ka kasi Matt"

"Ang sama mo!" busangot niya. "Habulin ka sana ng behemoth mamaya."

"Baliw!"

Napangiti ako. Lahat silay handa na ngunit bakas pa rin sa mukha nila ang takot at kaba. Ilang oras nalang ay magsisimula na ang delubyo. Magsisimula na kaming labanan ang kamatayang naghihintay sa amin sa likod ng dilim.

"Sally."

"Hmm?"

"Happy Birthday." Bati ni Matt habang inaabot ang isang maliit na kahon.

"Ano ito?"

"Basta buksan mo na lang, akala mo nakalimutan ko na ang kaarawan mo ano?"

"Salamat."

Isa iyong porselas na may nakaukit na pangalan ko.

"Pinasadya ko talaga yan, tingnan mo may buwan at bituin pang nakasabit diyan."

"Salamat Matt, maraming Salamat"

"Bukas alam kong maghahanda si tita Merna. Pupunta ako hah."

Sinasabi ko na nga ba eh, may kapalit talaga ang regalong ito.

"Sally hah!"

"Oo Matt."

Nagsimula ng mangaral si Mr. Green at muling pinapaalala ang mga dapat tandaan. Nagkaroon ng kaunting pagsasanay at pag-aayos ng mga sandata. Lahat ng ito ay parang panaginip lang. Sino ang mag-aakalang darating ang panahong kakailanganin mo talagang harapin ang mga halimaw sa dilim? Ako ang magsisilbing mata ng hukbo, mapapahamak ang lahat oras na magkamali ako. Hindi ko hahayaang may masaktan kahit isa sa amin. Hindi maaring magkulang ang hukbo pagsapit ng umaga.

"Sally!" Napalingon ako sa gawi ni Matt. Sumenyas siya na lumapit. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kris. "Tumingin siya kay Kris na kasalukuyang nakaakbay sa kaniya.

"Hindi tayo dadaan sa sinabing daan?" ani nito.

"Nangunot ang noo ko. Anong ibig mong sabihin?"

"Iyong daan na sinabi sa mapa lumingon ito sa paligid bago muling nagpatuloy. Hindi iyon ang susundin. Tataliwas tayo doon mamaya."

"Hindi maaari. Bakit tataliwas eh iyon ang plano? At kung totoo man ang sinasabi mo, saan naman ang bagong daan?"

Bumuntong hininga si Kris bago nagsalita muli. "Hindi ko alam kung bakit at kung anong intensyon nila pero–"

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now