SY- XVI

8 2 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨


"L-Lexer—"

Nilingon niya ako. Nagtatanong ang mga tingin niya.

Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin. Pakiramdam ko'y umurong ang dila ko.

Nangunot na ang noo niya.

Ano ba Sally... kumalma ka.

Hinihiling ko na sana humangin muli ng malakas para masigurado ko ang nakita. Baka namalikmata lang ako.

Hallucinations ko lang ba 'yon? Kakaisip ko siguro ay kung ano ano na ang nakikita ko. Gusto ko pa din masigurado. Hindi naaalis ang tingin ko sa kaliwang parte ng leeg ni Primo kahit na nakaharang na doon ang banat na banat niyang buhok.

"Sally are you okay?"

"Huh?"

"You called my name and now you're staring at me like I did something wrong to you, are you okay?"

"Kasi ano..." napaiwas ako ng tingin, baka mapansin niyang may sinisilip ako sa may leeg niya. "...kasi nilalamig na ako, tara na?"

He smiled.

"Let's go."

Inalalayan niya ako muli at tinahak namin ang daan pabalik. Habang naglalakad ay hindi ko mapigilan ang sariling sulyap-sulyapan ang parte ng leeg niya kung saan ko nakita ang simbolo.

Ganun na rin lang ang pagkadismaya ko dahil hindi man lang magkaroon ng dahilan para muling mahawi ang buhok niya.

Sa pagkadismaya ko'y nagtanong na lang ako sa kaniya at para na rin mabasag ang katahimikan.

"May kapatid ka ba?"

Sinulyapan niya ako sa peripheral vision niya.

"Yes."

"Girl?"

"Nah."

"Sino?"

"I don't think you know him."

'Talagang hindi. Wala namang nababalita sa school na may kapatid ka.' pagsagot ko sa isip ko. Napakasekreto ng pagkatao ni Primo. Kahit nga edad niya ay walang nakakaalam.

"Nag-aaral din ba siya sa Northwoods?"

"No."

Tipid naman.

"Bakit? Saan siya nag-aaral?"

Ang stupid ng tanong dahil alam naman ng lahat na wala ng ibang paaralan sa mundo namin bukod sa Northwoods.

"He's staying at home."

Ayyy! teka!

"Iyon ba 'yong kasama mo sa Lungsod?"

"No."

"Eh sino 'yon?"

"Why are you interested in him?" balik niya.

"Hindi ah." tinanong ko lang naman eh " Iyon bang kapatid mo cold din tulad mo?"

"Nah. Nasobrahan sa yabang ang isang 'yon." natawa siya parang naiisip niya ang kapatid.

"Ilang taon ka na pala?"

"I'm older than you."

"Saan ka nakatira?"

"You're home."

Huh? tumigil na siya sa paglalakad at nakaharap na siya sa'kin.

"You're home." ngiti niya.

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now