SY-XIV

14 3 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨



Maaga akong nagising kahit na wala namang klase. Gusto kong mamasyal pero hindi ko alam kung saan naman. Nang makababa ako ay naabutan ko si Tita Alma na papalabas.

"Tita saan ka?" tanong ko sa kaniya. May dala siyang basket.

"Mamimili sasama ka?" tanong niya sa akin habang inaayos ang payong niya.

"Asan si Mama?"

Hindi niya ako tiningnan " Sa Norte"

"Sasama ako." tumango lang siya sa akin.

Nasa Norte na naman si Mama. Nang minsang sabihin ko sa kaniya na gusto kong sumama at makarating roon ay nag-away kami, kaya naman hindi na ako muling nagpumilit pa. Although gusto ko talagang mapuntahan  'yon wala naman akong magawa.

"Tita alam mo dapat sa susunod sumama ka na sa amin sa lungsod para naman makapili ka ng mga damit mo" saad ko kay tita Alma habang naglalakad kami. Ako na ang nagpresentang magdala ng basket habang siya naman ang nagpapayong.

"Ano ka ba kontento na ako sa mga pasalubong niyo sa akin ng Mama mo."

"Kahit na. Maganda roon sayang naman at hindi mo nakikita."

"Talagang maganda roon?" tanong niya pa.

"Oo tita! Malalaki ang gusali roon at maganda ang mga mwebles. Kumuha pa nga ng maraming picture si Matt eh." pagkwe-kwento ko.

"Edi ipakita mo na lang sa akin ang mga litrato niyo. Sa ganoong paraan ko na lang titingnan ang lungsod." Kinuha ko ang Phone ko at ipinakita ang ilang kuhang litrato ng lungsod. Maging ang mga picture namin ni Matt ay tiningnan niya. "Ang ganda mo sa litratong ito Sally. Dapat siguro ay ipagawa mo ito at i-display mo sa iyong silid." tukoy niya sa isang litrato na kuha sa akin ni Matt.

"Hindi na tita ano ka ba. Ngunit mas maganda ang lungsod sa personal tita" pagpupumilit ko pa. Tinawanan niya lang ako.

Narating namin ang pamilihan. Agad rin namang namili si tita. Sunod-sunod lang ako sa kaniya dahil tagabitbit lang naman ako ng basket. Lahat ng tinderang tumitingin sa akin ay nakangiti kaya naman ngini-ngitian ko na lang rin sila.

"Napakagandang dilag naman ng iyong kasama Alma. Iyan ba 'yong si Sally" ani ng isang tindera ng gulay.

"Oo , iyan na nga si Sally."

"Ang liit liit mo pa noong huli kang isinama rito ng tita mo ngayon ay dalagang dalaga ka na. Ang ganda ganda pa." puri pa nito sa'kin.

"Salamat po." ani ko na lang kahit na nahihiya.

Halos isang oras rin ang ginugol namin ni tita Alma sa pamimili. Tig-isa na rin kami ng basket na dala dahil masyado ring marami. Bago kami tuloyang umuwi ay mayroon kaming dinaanan na parang antique shop. Mayroon ding mga gamot sa isang parte ng shop na iyon. Herbal medicines.

Mayroong dalawang crone roon ang isa ay nilapitan ni Tita Alma. "Sally dito ka muna." aniya pa.

Naiwan ako kasama ang isa pa. Nginitian ko lang siya. Nakasaya siya ng brown. Puting-puti na rin ang buhok niya. Nagpalinga-linga ako at tiningnan ang mga bagay roon. Napakaraming lumang bagay ngunit talagang magaganda at kakaiba.

Napatigil ako sa isang estante na may salamin. Iba't ibang simbolo ang naroon. Iyong fortitude pati 'yong simbolo na matagal ko ng hinahanap,  iyon bang parang cross. Nangunot ang noo ko. Napakarami pang simbolo ngunit ang nag-iisang nasa pinakatutok ay ang simbolong parang cross.

"blandhir o foriun? Alin ka sa dalawa iha?" tanong sa akin ng Crone.

"Hindi ko po maintindihan."

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now