𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
Nakakasilaw na liwanag ang gumising sa aking diwa.
"Ano ba inaantok pa ako kainis naman..." ungol ko. Nagtalukbong ako ng kumot. Antok na antok pa talaga ako. Ang sakit din ng buong katawan ko. Para akong nagbuhat ng mabibigat maghapon.Ahhhh.
BIGLA akong napabangon . Pinagmasdan ko ang paligid, paano ako nakarating dito? Silid ko ito. Kunot-noo kong inaalala kung paano ako nakauwi.
"Aishh..." sinabunotan ko ang sarili. Ang sakit din ng ulo ko.
Napansin ko ang benda sa kamay ko. Oo nga pala may sugat ako dahil doon sa punyal. Tumagos na ang dugo sa benda kaya tumayo at pumasok sa C.R. para hugasan ang sugat.
Binuksan ko ang gripo at dahan dahang tinanggal ang benda, ganun na lang ang gulat ko ng wala iyong sugat. Kinusot-kusot ko ang mata baka namamalik-mata lang ako. Binali-baliktad ko pa ang kamay ko. Wala talaga.
Sinampal ko ang mahina ang sarili baka sakaling nanaginip lang ako. Hindi eh... paanong?
"Ayt... kahit marka ay walang naiwan sa palad ko" sambit ko. Hindi pwedeng panaginip lang iyon dahil maliwanag na maliwanag sa isipan ko ang nangyari.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba, magtatanong ako kung paano ako nakauwi dahil hindi ko naalalang umuwi ako.
Walang tao sa salas maging sa kusina. Mayroong maliit na papel na nakaipit sa nakataob na pinggan. Marahil ay galing ito kay Mama o di kaya'y kay tita Alma.
✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*
'Kumain ka na diyan Sally. Mamimili lang kami nakahanda na ang pagkain. Mag-iingat ka'
-Mama
✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*✧・゚: *✧・゚:*
Kumain ako at naligo. Gusto kong lumabas at magpahangin. Nagugulohan pa din ako.
Naglakad ako papunta sa park. Nagbabaka-sakaling makita ko si Primo doon. Inilibot ko ang tingin sa paligid. Maraming bata ang nag lalaro kasama ang kanilang mga magulang.
Bigo akong mahanap si Primo, kahit anino niya'y hindi ko makita. Naupo ako sa tapat ng sacred tree. Walang emosyon ko siyang pinagmasdan.
Ano bang nangyari?"Hoy!" napaigtad ako sa gulat na dulot ni Matt. Tatawa-tawa naman siyang naupo sa tabi ko. "Saan kayo galing ni Primo kahapon?"
"Huh?"
"Ang sabi ni tita Merna inuwi ka ni Primo kahapon lasing na lasing" paliwanag niya.
"Lasing ako?" kinunotan niya ako ng noo.
"Oo..." nagdududa niya akong tiningnan. "...nang dalhin ka daw kasi ay tulog ka na. Ang sabi daw ni Primo ay uminom ka. Bakit ka ba uminom? May problema ka ba Sally?" nag-aalala siyang tumitig sa akin.
"Huh wala!" may pagdududa sa mga tingin niya sa akin. Paano ako magpapaliwanag nito? Alangan namang sabihin kong galing ako sa lugar na hindi ko alam. Nakakainis pa si Primo sa sinabi niyang lasing ako. "...Ahm ano kasi...kahapon nagyaya si Primo na samahan siya. Hindi ko alam kung saan 'yon basta may inomin na noon ko lang nakita kaya tinikman ko..." wala akong paki kong awkward man ang ngiti ko ang mahalaga maitawid ko ang pagpapaliwanag ko. "Oo tama ganun nga. Naparami pala 'yong nainom ko nakakalasing pala 'yon.hehe"
"Ahh" tatango-tango niyang saad. "Sa susunod kasi 'wag kang iinom na lang basta basta, lalo na at bago sa paningin mo" he said while tapping my head.
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...