SY-XIII

8 2 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨



Dali dali akong lumabas  ng kwarto. Halos talonin ko na ang pagitan ng mga hagdan sa pagmamadali. Ito ang araw sa isang buwan na pinakahihintay ko, dahil ito ang araw na pupunta kami sa lungsod ni Mama.

Suot ko ang black knitted dress na regalo sa akin ni Tita Alma kapares ng puti kong leather boots. Excited talaga ako sa araw na ito. Nakita ko na si Mama sa may pinto kaya nagtungo na ako roon.

Ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si... "T-tita Matet?"

"Sasabay na raw sila sa atin ngayon paglabas sa lungsod. Hindi ba't mas mabuti na rin 'yong may kasama tayo dahil delikado na sa panahon ngayon." ani ni mama.

"Napakaganda mo Sally." puri pa ni tita Matet.

Ngumiti ako sa kaniya. " Salamat po."

Nagtungo na kami sa sakayan papuntang lungsod. At kanina pa rin ako naiirita sa nang-aasar na ngiti ni Matt.

"Wala bang nagsabi sa'yo na mukha kang loko-loko sa ginagawa mo?" inis kong anas sa kaniya.

"Hindi ako makapaniwala babae ka pala talaga" natatawa  niyang saad.

Loko ampt. Sapakin ko kaya 'to. Inirapan ko lang siya. Ayaw kong makipagtalo sa kaniya dahil baka tuloyan kong masapak ang isang 'to.

Natural lang na magsuot kami ng damit na nauuso sa lungsod upang hindi naman kami nahuhuli sa uso at magmukhang katawa-tawa. Nang marating ang lungsod ay pasimple kong binatukan si Matt. Hindi naubos ang pang-aasar niya habang nagbya-byahe.

"Magpapalit muna kami ng pera. Doon na lang kayo mag-intay ni Sally sa malaking gusali na nagtitinda  ng damit ,pagkain at maraming sasakyan. Iyon bang ano—"

"Mall Ma. Mall ang tawag roon. " pagpuputol ni Matt sa kaniyang ina.

" Oh eh basta Mall na kung Mall. Doon sa lagi mong pinag-aantayan sa akin. Kami na lang ng tita Merna mo ang makikipagkalakal." ani ni tita Matet.

Tatawa tawa si Matt habang tinatahak namin ang daan patungo sa Mall. Sa lugar na ito kasi perang papel ang ginagamit nila sa pakikipagkalakalan kaya kinakailangan pa nila Mama na makipagpalitan ng ginto.

Napakaraming tao ang narito. Ang ilan sa kanila'y dumadapo ang tingin sa amin. Pakiramdam ko tuloy alam nila na hindi kami taga rito sa lungsod. Wala namang pakialam si Matt at taas noong naglakad papalapit sa isang upuan roon sa malapit. May ilang lumapit sa kaniya upang magkuha ng litrato kasama siya. Model ba siya? Tss.

Naupo ako sa tabi niya. "Alam mo Sally dapat pinapayagan na ng pamahalaan natin na magkaroon na rin tayo ng cellphone tulad nila."

"Bakit naman?"

"Para naman makuhaan ng maraming litrato ang napakagwapo kong mukha. " napangiwi ako. Makapal din ang isang ito.

"Alam mo matagal naman ng pwede." meron nga ako eh. Hindi ko lang ginagamit at dinadala sa eskwela. Regalo iyon sa akin ni Mama noong 16th birthday ko.

"Weh? Huwag mo nga akong pinagloloko." aniya.

"Pwede nga. Tingin mo bakit mayroon na tayong kagamitan sa mga school na katulad rito sa lungsod. Tulad na lamang noong computers at iba pa?" kinuha ko sa bag ko 'yong cellphone na bigay sa'kin ni Mama. " Oh! matagal na akong meron nito"

" What? Bakit hindi ko alam? Tsaka sa school wala akong nakikitang estudyante na may gan'yan." kinuha niya ang phone at inusisa niya.

"Bawal kasi 'yan doon."

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now