𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
Hindi mawala ang pagkamangha ko sa lugar na ito. Kanina pa kami naglalakad at kanina pa rin ako linga ng linga. Ang ganda dito. Ang mga disenyo ng gusali ay makaluma na may halong pagka modern na mas lalong nagpaganda sa porma nito. Maraming mga nagtitinda sa daan . Iba't-ibang klase ng produkto mayroong pagkain, damit,palamuti at mga patalim.
Suot ko ang coat na ibinigay sa akin kanina ni Primo, I mean Lexer. Maging ang hood nito ay gamit ko, aniya hindi dapat ako makilala sa lugar na ito dahil hindi ako taga-rito.
Ang mga kababaihan na tingin ko'y nasa mababang antas ay may suot na lumang mahahabang baro. Ang mga nakaaangat naman ay nagkikintaban ang tela.
Maging ang kalalakihan ay ganoon rin. Sa mundong ito ay wala ring pagkakapantay-pantay. Nakakadismaya.
"Bakit ang daming nakacoat ng tulad ng sa'yo at akin?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kami naglalakad dito sa kalye kung saan maraming nagtitinda, walang dudang market place ito. Ngayon lang ako nagtanong at kinausap siya.
"Legionarius."
"Huh?"
"Soldiers of the king" aniya at patuloy na naglakad.
Tiningnan ko ang ilang nagkalat sa sinabi niyang Legionarius. Lahat sila ay may sandata. Walang mga emosyon at seryoso. Napayuko ako ng isa sa mga ito ay napatingin sa akin. Binilisan ko ang hakbang at nanatili sa likod ni Lexer.
Kapag minamalas ka nga naman sumunod pa iyong lalaki.
Huhulihin kaya niya ako?
Kinakabahan na ako.
Ano kayang parusa kapag nahuli ako?
Binilisan ko pa ang paglakad. Bumilis din ang lakad ni Kuya ano ba naman 'yan.
'Bilis pa Sally. Bilisan mo'
Hakbang.
Hakbang.
Isang malaki pang hakbang ...
...para akong maduduwal sa kaba. Binilisan ko pa ang pag-lalakad.
"Sandali"
Napakapit ako ng mariin sa braso ni Lexer. Nilingon niya naman ako bago tumingin sa lalaki.
Hinawakan niya ako sa braso at nilagay ako sa bandang likod niya. Nakita ko namang sumisilip iyong lalaki.
"Yes?" walang emosyon ngunit may awtoridad niyang sabi.
Nataranta naman 'yong lalaki hindi niya alam ang gagawin ngunit agad din naman siyang yumuko.
"Forgive me,sire I didn't notice you. I'm sorry" ani 'to nang nakayuko pa din.
Sumenyas si Lexer sa kan'ya bago ito tumayo ng tuwid. Nagawi pa din ang mata niya sa akin. Hindi ko sinalubong ang tingin niya, agad akong umiwas. Lumingon din si Lexer sa akin, nanatili naman akong nakayuko.
"Ahmm..." bumulong siya doon sa lalaki. Dumapo muli ang tingin niya sa akin bago tumango kay Lexer.
Lex tapped his shoulder before he left.
"Sire? Bakit mas mataas ang ranggo mo sa kan'ya? Atsaka anong sinabi mo? Huhulihin niya ba ako?"
He give an annoyed look. " Why do you need to know?"
"Bakit masama ba? Nagtatanong lang naman ako ah" nakanguso kong reklamo sa kan'ya.
"Curiosity will kill you Sally" he whisper.
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...