SY-XXI

2 2 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨

SALLY'S POV

"Ey miss Crossiette you're early"

"Nah, late ka lang"

"Oh?" tumawa siya.

Iba ang aura ngayon ni Primo. Masigla siya ngayon, he's wearing black slocks and white polo shirt na may tatak ng logo ng PSC. Hindi rin siya nakahalf bun ngayon, nakalugay lang ang makahaba niyang buhok.

"Malaki laki na ang utang mo sa'kin Ms. Crossiette" ani niya ng nakatalikod.

Paano naman ako nagkautang? Naglakad siya papalapit sa akin habang tinatali niya ang buhok.

Messy bun.

Kinunotan ko siya ng noo. "Sabi ko naman sa'yo may bayad ang bawat minuto" tinawanan ko siya.

" Primo may sasabihin. "

"Kung sasabihin mong may gusto ka sa akin oh please Ms. Crossiette paulit ulit ko ng naririnig 'yan."

" Baliw" hinawakan ko ang mukha niya at binaling baling iyon para matingnan ko ang leeg niya. "Wala naman, namalikmata lang talaga siguro ako."

"Anong problema mo Ms. Crossiette?" aniya habang tinatanggal ang kamay ko.

" May nakita kasi akong simbolo sa leeg mo dati" hindi siya umimik. " Primo tao ka ba? "

Natawa siya. " Kung nakitaan mo ako ng simbolo edi hindi ako tao."

" Pero wala naman eh"

" Edi tao ako. "

Nasapo ko ang noo. Ibang klase ang isang ito. Ang sarap mong sapakin hanggang sa matuwa ako.

" Gulong-gulo ka na ba Ms. Crossiette " nasusura ko siyang tinitigan. Mukha bang hindi?

Naglakad siya at hinila ang dalawang silya, sinenyasan niya akong maupo. Nagdududa pa akong tiningnan siya bago tuluyang maupo roon. Hindi ba kami magpra-practice ngayon?

"Hindi ka maaaring lumabas ng maraming isipin." Tiningnan niya ako sa mga mata. " Ano ba ang gusto mong malaman Sally? "

Kumabog ang dibdib ko pero hindi iyon dahil sa kaba. Tutulungan mo ba talaga ako Primo? o isa lang ito sa mga patibong mo? Ngunit kahit na ano pa man ang sagot gusto ko talagang malaman...

" Lahat. " Kailangan ko ng maliwanagan. " Gusto ko malaman lahat ng maaari Primo. Tao ba ako? Ano yung furion at Blandhir? Isa ba talaga ako doon? Ano ba talaga ang itinatago ng mundo natin? "

Hindi lahat ay kaya kong sabihin, maaaring hindi dapat o hindi ko alam. Alin ba ang nais mong unahin?" aniya.

" Blandhir at furion ano ang dalawang iyon? "

Matagal siyang tumitig sa akin bago nagpakawala ng isang buntong-hininga. Sa tingin niya'y ayaw niya itong sagutin pero malakas ang kutob kong may alam siya.

"Furion mga nilalang na sakop ng dilim taglay nila ang fearless symbol isa sa mga pinakamalalakas na nilalang."

"Masama ba sila? Isa ba talaga sa kanila ang pumatay doon sa clerk?"

Tumango siya. " Nalaman rin naming matagal ng nakikipag-ugnayan ang clerk na iyon sa mga furion. Siya ang naging mata ng mga ito sa loob ng campus. "

" Pero bakit siya pinatay? Atsaka yung katawan halimaw rin ba sila?" Hindi ko mapigilan ang sariling hindi magtanong sa mga bagay tulad nito.

"Umayaw na siya, lingid sa kaalaman niya na hindi iyon basta basta. Hindi sila halimaw ngunit under nila ang mga behemoths. Sila ang tinuturing na amo ng mga ito."

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now