𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
Maaga kami ni Matt dahil sinabihan kami ni Mr. Green na may ensayo ngayon. Halos lahat ng Crawse ay narito na.
[ A/N: Crawse — mga studyanteng may kakahayan mag sanay mataas na uri kaysa sa Clerk.]
"Anong meron kaya?" bulong ni Matt.
Nagkibit balikat lang naman ako bilang sagot.
Pumila na kami para mag attendance at naupo sa ikatlong hanay ng upuan. Punong puno ang silid sanayan. Hindi pa ito nangyari noon. Tahimik lang ang lahat at tila walang nagsasalita. Isa isa ring pumasok ang member ng PSC.
May hawak na maliit na piraso ng papel si Kera. Natayo siya sa maliit na entablado roon.
"Good morning Crawse."
"Good morning, Miss" magalang na saad ng lahat.
Napasinghap ang ilan, isa na ako roon nang pumasok si Maestro sa silid at naupo sa isa sa mga bangko sa unahan. Manonood kaya siya ng pagsasanay? Nangibabaw ang kaba sa sistema ko, hindi ko na masyadong napagtuonan ng pansin ang ibang sinabi ni Kera.
Sumunod na tumayo sa gitna si Mr. Green ,hawak ang kaniyang kakambal na stick na mahinang dinadampi dampi sa kaniyang palad gaya ng lagi niyang ginagawa.
"Lahat kayo ay taong sinanay para sa delobyo at proteksiyon. Ang kaniya kaniyang kakayahan na pinakita niyo at ang husay na tinataglay ay mas lalo pang nahasa. Bawat isa sa inyong ay may natatanging abilidad at ang mga nangibabaw ay may pagkakataong makita ang labas."
Nagbulongan ang lahat. Hindi nila makuha ang tinutukoy ni Mr. Green. Itinaas niya ang stick na naging hudyat upang muling bumalik ang katahimikan.
"Sa harap ko at ng mga taong naririto lalo na si Maestro,ipakikita ninyo na kayo ay karapat dapat na upang maging isa sa Dark Soldiers. "
Namilog ang mata ko. Pipili na sila. Nilingon ko si Matt , busy siya sa pakikipagbulongan sa lalaking katabi niya ngunit kitang kita ang excitement sa kaniyang mukha.
Ako ma'y nae- excite rin ngunit mas nangingibabaw ang kaba ko. Sa buong historya ng mundong ito. Tatlo pa lang ang babaeng nakasali sa Hukbo ng Dilim at lahat sila ay may makasaysayang kwento.
Tinatawag ang bawat pangkat upang magsagawa ng pagsasanay. Sampung pangkat kami na mayroong dalampung miyembro. Dalawa sa bawat pangkat lang ang mapipili.
Handa na ang unang pangkat. Tumayo ang isa sa PSC member at binigyan sila ng itim na tela.
"Blind war" anas ni Matt.
"ha?" kunot-noo ko siyang tiningnan. Sinenyas niya sa akin ang ginawa ng pangkat sa tela.
Itinakip nila iyon sa mata. Muling nagsalita si Mr. Green.
"Wala kayong makikita sa dilim kaya ang pakiramdam at pandinig niyo lamang ang inyong gabay. Walang silbi ang mata kapag nasa labas na tandaan niyo 'yan."
"UMPISAHAN NA!"
Iyon ang naging hudyat ng lahat pati na rin ng member ng PSC na nag abot sa kanila ng tela. Naging alerto ang pangkat kitang kita ang higpit ng pagkakahawak nila sa armas.
Ang PSC member ang nagsilbing kalaban. Mabilis ang kilos nito at nagpapalit palit ng inaatake. Napasigaw pa kami ng muntik ng magkatamaan ang dalawa sa pangkat na iyon. Malakas na tawa lang naman ang narinig namin mula kay Mr. Green.
Kahit na walang talim ang armas pang ensayo ay masakit parin iyon makatama. Natapos sila ng hingal na hingal ang lahat maging ang PSC member ay pawis na pawis. Humanay sila para sa pagpili.
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...