𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
"P-primo..." nagugulat kong bigkas sa pangalan niya.
Mapanuri siyang tumitig sa akin. Bakit hindi ko naramdaman ang pagpasok niya o ang presensiya man lang niya. Sa lahat ng pagsasanay ay iyon ang laging binabati sa akin ng professor, malakas daw ang sensibility ko. Paano nangyaring ganito?
"What are you doing here Ms. Crossiette?" tanong niya muli habang tinatakpan ang kulay ginto niyang ballpen na tingin ko'y siyang itinutok niya sa akin kanina.
Tumitig lang ako sa kan'ya. Posible kayang ikaw 'yon Primo?
"Hey! Did I scared you?" he chuckles. "Sorry about that. I'm just messing with you, what are doing here anyway? Wala kang klase? May kailangan ka ba? " sunod-sunod niyang tanong.
"Bakit bukas ang office niyo eh wala namang tao?" bigla kong natanong tinitingnan ang pinto.
"You didn't answer any of my questions and now you are asking me one? Unbelievable" matunog siyang ngumisi.
Natanga ako sa sinabi niya. " Ahm.. I'm looking for Kera." tinitigan niya ako na para bang inaalam niya kung nagsasabi ako ng totoo. Nilabanan ko ang mga titig niya. Totoo sinasabi ko 'no. I pouted.
"In her class." he said then walk towards his table.
Tinitigan kong mabuti si Primo habang binabasa niya ang isa sa mga papel sa kaniyang mesa. Posible kayang ikaw 'yon Primo? Ang mahaba mong buhok na nakahalf-bun ngayon. Parehong-pareho. Maging ang mga labi mo. Parehong pareho kayo ng feature. Posible kayang ikaw 'yong lalaking nakita ko sa libro bago mawala ang ilaw kagabi?
"How long are you planning to stare at me like that?" he said without looking. "I actually charges every minute. " nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang kapal ng isang ito.
"Mahangin ka rin pala" bulong ko.
"What did you say?"
Plastic akong ngumiti sa kaniya. "Wala."
"Don't worry. Ililibre ko na muna sa'yo ito. You should be thankful." may ngisi sa kaniyang labi.
Nakakangilo siya. Psh.
Nginiwian ko siya. "I'm leaving." I didn't wait for his response. I hurriedly went out. May tinatago rin palang kapal ng mukha ang isang iyon. Ehh kadiri. Hindi sa kaniya bagay.
Pinuntahan ko si Matt sa library gaya ng sabi niya. Naupo ako sa harap niya. Seryoso niyang tinitingnan ang isa sa mga librong binuklat niya.
"Nakausap mo ba?" tanong niya ng hindi ako tinitingnan.
"Nasa klase niya. Ikaw?"
Tumingin siya sa akin. "Tingnan mo ito..." Inabot niya sa akin ang libro na tinitingnan niya kanina. "Tungkol iyan dun sa puno sa hangganan. Ang sabi diyan pagsapit ng dilim. Nagiging kulay ginto ito at ang paligid ay nagliliwanag. Noon kapag may naabutan ng dilim diyan sila nanatili hanggang sumikat muli ang araw. Ang puno sa hangganan ay isa ring ligtas na lugar pagsapit ng dilim." paliwanag pa niya.
"Dalawang metro mula sa puno. Ganoon lang kalaki ang sakop ng liwanag na tinataglay ng puno." pagbabasa ko.
"The Sacred Tree. Iyon ang tinawag sa kaniya ng mga mandirigma noon." ani ni Matt.
Binuklat ko ang ibang pahina ng aklat baka sakaling mayroong tungkol naman sa kabilang parte noon.
"Kung hinahanap mo ang tungkol sa kabilang mundo. Itigil mo na. Walang nakasulat sa aklat." dismayado niyang puna. "...pero may naalala ako Sally... May i-kwenento ang Lolo sa akin noon."

YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...