SY-IX

13 5 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨



Malakas na hangin ang dumampi sa aking mukha. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa punong ito ngunit hindi ako nagsasawa. Ang mga bulaklak nito ay unti-unti ng nauubos. Naglalag-lagan na silang lahat. Ang makapal na pulang dahon niya ay lalong kumakapal.

Kumuha ako ng papel at panulat. Wala akong magawa kaya iguguhit  ko na ilang ito.

Sinimulan ko sa itim na itim nitong katawan hanggang sa mga dahon. Nakangiti kong igunuhit isa-isa ang mga bulaklak na nalalaglag.

Ang ganda.

Ang sariwang hangin na patuloy ang paghaplos sa aking balat ay parang nagsasaya. Lahat ng pinagdaan ko sa buhay ay saksi ang punong ito. Siya ang nagsilbing diary ko. Lahat ng sama ng loob at pighati ay sa kan'ya ko nasabi. Hindi man niya ako sagutin o hindi man niya napakinggan pakiramdam ko ay dinamayan niya ako.

Noong maliit pa ako ay natatandaan kong dito ako sinusundo ni Mama lagi. Simula ng umalis si Papa ay lagi akong narito ,umiiyak hanggang sa makatulog. Ngiti na lang ang nagawa ko sa ala-alang iyon.

Hanggang alaala na lang ang lahat. Hindi na maibabalik muli.

Nang matapos ko ang pagguhit ay naupo ako sa ilalim ng puno. Gusto kong matulog muli dito. Sumandal ako at ginawang komportable ang sarili. Niyakap ko ang papel bago tuluyang pumikit.

HINDI PA man lang ako natatagal-tagalan sa pagpikit ay naramdaman kong may tumatapik ng mahina sa pisngi ko.

"Hmm.." ungol ko. Medyo lumakas ang pagtapik nito sa akin. "Ano ba?..." sabi ko ng hindi minumulat ang mata baka mamaya si Matt lang ito nang-aasar.

Patuloy pa rin ang pagtapik nito sa akin. "Sally wake up." bahagya pa akong niyugyog nito.

"ANO BA NAMAN KASI 'YON—" natigilan ako. Maangas siyang nakatingkayad sa harap ko. Nakasuot siya ng itim na V-neck shirt at itim na pants. Ang mapupungay niyang mata ay titig na titig sa akin. Ang mapupula niyang labi ay nakatikom  at ang mahaba niyang buhok ay nakahalf bun gaya ng lagi. " ...P-primo?"

Nangunot ang noo niya. Matikas siyang tumayo at tumingin sa hangganan. Anong ginagawa niya dito? Well nabanggit niya dati na malapit lang siya sa amin kaya hindi rin imposibleng magkita kami.

"Bakit ka nandito? May kailangan ka ba?"

Sinulyapan niya ako. "Come with me."

"Saan naman?" umiwas siya ng tingin. Bakit parang naiilang siya sa'kin? Akala ko ba makapal ang mukha ng isang 'to. Marunong din pa lang mahiya. Ang mahanging Primo ay naiilang?. Napangiwi ako sa iniisip.

Nilingon niya ako na para bang narinig niya lahat ng sinabi ko sa utak ko. Tss. Totoo namang mahangin siya. Napairap ako.

"Is he really like that?" bulaslas niya.  Kinunotan ko siya ng noo. Ano bang sinasabi niya? Wala yata siya sa katinuan. Tumikhim siya. "I mean are you coming?"

Namaywang ako. "Saan nga kasi? Bakit mamaya pag-ayosin mo lang ako ng mga papel na naman. Naku 'wag na 'no. Hindi ako sasama." maarte kong sagot.

"We're going to another world." he said.

We're going to another world.

We're going to another world.

We're going to another world.

Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? Another world as in 'yong world na 'yon? Nabasa ko lang 'yon sa libro. Gan'yan na gan'yan din ang sinabi nung lalaki dun sa babae bago sila nag-ano...'yong ano... 'yong—

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now