SY-VI

12 5 1
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨


Inis kong isinalansan ang natitirang papel. Huli na ito. Uuwi na talaga ako matapos lang ito hindi na ako magpapakita o magpaaalam  man lang sa kan'ya. Nakakainis talaga.

---

"Tingnan mo ang mesa sa kanan mo 'yan ang gagawin mo" ngingiti- ngiting utos niya.

Para naman akong binawian ng lakas ng makita 'yon.

Bakit?

Sa dinami daming pwedeng ipagawa ito pa.

Isang tambak na mga papel.

"I-sort mo lahat ng iyan at dalhin mo sa  Editorial Office . Ihanay mo ng maayos . Sama sama ang magkaklase ayosin mong mabuti Ms. Crossiette."

"Lahat ng ito?" hindi makapaniwala kong tanong. Napakadami nito halos anim na bundle iyon. Sa tingin ko'y hindi ko ito kakayanin ng dalawang oras lang.

"Oo bakit may problema?" taas kilay niyang tanong. "Maganda sigurong mag-umpisa ka na. Hindi mo gugustohing abutan ng dilim sa daan pauwi." may ngisi sa kan'yang labi.

---

Wala akong nagawa kundi ang sumunod. Kasalanan ko ito. Pinilit kong taposin talaga lahat ng iyon ng isa't kalahating oras lang. Lumabas na  ako at sinarahan ang office. Naglakad na ako papaalis. Nang madaanan ko ang  PSC office sarado na ito wala ng tao.

Inilibot ko ang paningin ko wala na talagang ibang tao. Sinubokan kong ikotin ang busol ngunit naka lock na talaga ito.

"Iniwan talaga nila ako" inis kong nasambit.

"Bakit natatakot ka?" napatalon ako nang may biglang magsalita sa likod ko.

"P-primo" nakangisi ito sa akin.

"Ang bagal mo naman Ms. Crossiette" magsasalita na sana ako ngunit nauna na siya ulit "Kailangan na nating magmadali bilang na lang ang minutong meron tayo." dagdag niya at nauna ng maglakad.

Sumunod na ako sa kaniya. Tama siya ilang minuto na lang ay dilim na ang sasakop sa langit.

"Ihahatid na kita" aniya ng makalabas kami ng pultahan.

"Hindi na kaya ko na. Baka mapalayo ka pa"

"Malapit lang ako. Isa pa, hindi na ligtas sa mga oras na ito."

Natawa ako. "May liwanag pa. Hangga't may liwanag ligtas pa tayo"

He chuckle. "Huwag kang panigurado Sally. Hindi lahat ng akala mo ay tama. Walang ligtas sa mundong ito. Ano mang oras ay nasa panganib ang buhay mo. Walang oras na ligtas" tumingin siya sa akin ng mayroong ngiti.

Sandali akong natigilan. Ito yata ang unang pagkakataong tinawag niya ako sa first name ko. Napaisip ako sa mga sinabi niya. Maaring totoo iyon, maari rin namang tinatakot niya lang ako ulit.

Nang marating namin ang bahay ay hindi na rin siya nagtagal at lumisan din. Nagpasalamat na lang ako at nagpaliwanag kila Mama kung bakit ako nahuli. Sinabi kong may nabasag akong gamit sa school kaya kailangan kong maglinis ng buong cafeteria.

Oo, hindi ko sinabing tungkol iyon sa libro dahil baka kung ano pang sabihin nila. Alam ko ring patitigilin nila ako kaya mas mabuting 'wag na nilang malaman.

Walang buhay akong nahiga sa kama. Ano ba talagang hinahanap ko? May mapapala ba ako kapag nasagot na lahat ng tanong sa isip ko? Gustong gusto ko ng magtanong kay tita Alma ngunit alam kong wala siyang sasabihin.

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now