SY-XVII

10 2 0
                                    

𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨

Takbo bilis...

Nakakainis late na ako. Hindi ako ginising ni Mama tapos wala din si Tita Alma. Hindi din dumaan si Matt.

Nakakainis.

Takbo pa Sally.

Late na talaga ako. Si Primo at ibang officers ng PSC na ang dinatnan ko sa gate. Hinaharang nila ang mga late.

Hinihingal akong nahinto sa tapat niya. Hindi niya ako tinaponan ng tingin busy siya sa pagsusulat sa logbook gamit ang ginto niyang panulat.

"Reason." he whisper.

At dahil lutang ako isang 'ha' lang ang naisagot ko sa kaniya.

Tamad itong tumitig sa'kin bago walang buhay na inulit ang sinabi niya. "Reason"

"I overslept." I unconsciously answered that made him smirked.

Bumagsak ang kamay niya at nanunuyang tumingin sa akin.

"That was the most considerable reason I've heard Ms. Crossiette." he sarcastically said.

I rolled my eyes in irritation. "At least I'm honest" bulong ko pa.

"I didn't catch that." he said.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Ang dami niyang dama. Itinuro niya ang hanay kung nasaan ang iba pang estudyanteng late. Mabilis naman akong pumila doon. Malamang sa malamang ay hindi na kami makakapasok sa unang klase dahil may ipapagawa sila sa amin.

Napatawa ako sa inis. Hindi ko alam kung bakit inis na inis ako sa araw na ito. Paggising ko pa lang ay hindi na maganda ang mood ko. Walang ako dinatnan sa bahay hindi pa ako dinaan ni Matt. Nakakainis talaga.

Naglakad papalapit sa amin si Primo kasama si Kera. Dumapo ang tingin niya sa braso ko. Napapairap akong itinago iyon sa likod ko.

Isa pa 'yon sa kinaiinisan ko napakahapdi nun. Nilagyan ko lang 'yon ng gamot at bandage kanina. Napakalaki pala ng sugat na gawa nung hayop na lalaking 'yon kagabi. Nagising naman akong may bandage din 'yon na tagos na ang dugo malamang ay si Primo ang may gawa.

Ngunit 'yong libro ni Papa ay wala na.

Nahuli kong nakatingin si Primo sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na ikinangisi niya. Iiling iling siyang bumaling kay Kera at may sinabi rito. Tumango tango lang naman siya kay Primo.

Lahat kami ay pinapunta sa gym at doon pinaglinis. Hindi nakakatuwa. Padabog kong kinuha ang mop.

"Ms. Crossiette hindi ka ba naaawa sa mop? Kung nakakapagsalita lamang 'yan malamang na nagmakaawa na siya sa'yo na magdahan dahan"

Napangiwi ako sa sinabi ni Primo. Korni. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagma- mop.

Naitulak ko ang lalaking nagpupunas ng bleachers ng matamaan niya ang braso kong may sugat. Mabilis naman siyang humingi ng pasensiya.

"Hindi ko sinasadya Miss... sorry hindi kita nak-"

Hindi ko siya pinansin naglakad ako palayo dun dahil dumugo 'yong sugat ko. Nakakainis talaga.

Hinugasan ko ang braso ko ng marating ko ang C.R.

"Shii ang sakit!" I grumbled.

Inabot ko ang lagayan ng First Aid at kumuha ng gamot at bandage doon. Bubuksan ko na ang gamot ng may kumuha noon at siya na ang nagbukas.

Tahimik lang itong naglagay ng gamot sa braso ko. Hindi ko man lang naramdaman ang pagpasok niya.

"Ah" napangiwi ako sa sakit ng maramdaman ko na ang gamot sa sugat ko.

SHADE OF YOU:The Secret of DarknessWhere stories live. Discover now