𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
"Sally takbo!" sigaw ni Matt ng bumatok ang mga aso at nagsimulang sumugod sa amin.
Mabili naman kaming tumakbo at lumihis ng daan. Shii nararamdaman kong malapit na sila. "Bilis Matt!"
Pareho kaming naghabol ng hininga nang marating ang pultahan ng school at tuluyang natakasan ang mga aso. Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko'y ito naman ang hinahabol. Dinunggol ako ni Matt at masamang tumingin sa akin.
"Sabi ko na sa'yo na huwag natin sundan eh, muntik pa tayo mapahamak."
Inirapan ko lang siya at nagsimula nang maglakad.
"Hoy Sally sino ba kasi 'yong mga 'yon kilala mo ba?"
Kahit kailan talaga ang isang ito hindi na lang matahimik. Iritado ko siyang hinarap.
"Anong nangyari?" napanganga ako ng magsalita si Primo sa likod ko. Masama akong tumingin kay Matt, subukan mo lang magsalita masasapak talaga kita.
"Hinabol kasi kami ng aso kanina" tumingin siya sa akin tinaasan ko lang siya ng kilay. "Iyon lang naman Primo" awkward pa siyang ngumiti.
Tumango - tango lang naman si Primo. "Nagsisimula na ang pagsasanay kailangan mo ng dumalo."
"Huh? Bakit maagang nagsimula ang pagsasanay?"
"Bukas na ang paglabas kailangan na ng maayos napagsasanay, ayaw mo naman sigurong malamon bukas ano Mr. Sua?" nakangising tanong ni Primo.
Nanganga naman si Matt, humarap ito sa akin at nagpaalam. "Sally maiwan na kita."
Tumango lang ako sa kaniya bago siya tuluyang tumakbo. Naiwan ako kay Primo na tinatanaw ang labas ng pultahan, pati ako ay napatingin doon.
"Iyong humabol sa inyo" napalingon ako sa kaniya "Alam kong alam mong hindi iyon aso."
"Werewolves" I sighed. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko, iyong kanina hindi iyon basta aso lang alam ko. Akala ko rin ay hindi na kami makakatakas ni Matt. Nilingon ko si Primo, tumaas ang kilay niya. "Totoo sila?"
"Hinabol ka na nga Ms. Crossiette nagtatanong ka pa rin kung totoo sila?"
"Pero-"
"Sa silid sanayan may maliit na box na naglalaman ng punyal, alam kong mayroon ka na ngunit mas maganda kung dalawa hindi ba?" tumawa siya, nangunot ang noo ko. "Alam kong binigyan ka ng Lolo ni Matt" nagulat ako. "Nagtataka ka pa rin, tama siya sa sinabi sa inyo iba ang lakas ng mga nilalang kapag bilog ang buwan."
"Bakit Primo?" tumaas ang kilay niya. "Bakit mo naman ako bibigyan? At bakit hindi kaming lahat kung alam mo niyo naman pa lang-"
"Ms. Crossiette hindi kami ang nasusunod sa paglabas, wala kaming kapangyarihan baguhin ang lahat. Hindi mo maaaring gamitin ang punyal na iyon sa harap ng iba kung ayaw mong isipin nilang nagtra- traydor ka."
"Saan nakalagay?"
"Sa mesa makikita mo agad iyon pagpasok mo."
Tinitigan ko muna siya bago nagsimulang maglakad. "Ahh Ms. Crossiette"
"Hmm?"
"Pagkatapos mong kunin ang punyal magkita tayo sa lugar na..." tumikhim siya bago umiwas ng tingin. "Iyong lugar na tahimik may dilaw na mga dahong sumasabay sa hangin, malinis na tubig, kumakantang mga ibon, lugar na tayo lang ang nakakaalam?"
"Ha?"
Anong ibig sabihin ni Primo? Hindi ko naintindihan. Hindi na rin naman niya nasagot dahil mabilis siyang lumayo pagkatapos niyang sabihin iyon.
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampireAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...