𝙎𝙝𝙖𝙙𝙚 𝙤𝙛 𝙔𝙤𝙪: 𝙏𝙝𝙚 𝙎𝙚𝙘𝙧𝙚𝙩 𝙤𝙛 𝘿𝙖𝙧𝙠𝙣𝙚𝙨𝙨
Nagising ako sa sariling silid, payapa at banayad ang hangin na pumapasok sa bintana galing sa labas. Paanong—
"Mabuti naman at gising ka na, halina at bumaba ka na. Kanina pa naghihintay ang mga bisita mo." ani ni mama.
"Paano ako nakauwi??
Ngumiti si Mama sa akin, umupo siya sa tabi ko at pinitik ako sa noo. "Aray Ma! reklamo ko."
"Ang sabi ko sa iyo ay mag-iingat ka."
"Ano ba kasing nangyari wala ngang akong matandaan kung paano ako nakauwi."
Umiling-iling siya. "Hinatid ka nila Matt ng walang malay, bigla ka na lang nahimatay kagabi."
Napanganga ako. "Nasaan sila? Anong nangyari sa kanila? "
"Andoon nga sila sa baba naghihintay sayo kaya mag-asikaso ka na."
Mabilis naman akong kumilos at naligo. Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin, ano ito? May simbolo ako sa kaliwang parte ng dibdib katulad ng kwentas ko.
Paanong— Sunod- sunod na katok sa bintana ang nagbigay ng ingay sa kwarto. Ibon? Patuloy nitong tinutuka- tuka ang salamin ng bintana. May nakabilog na papel ang nakasabit sa paa nito.
Ang tradisyonal naman. Lumipad din palayo ang ibon matapos kong makalag ang tali kung saan nakakabit ang maliit na rolyong papel.
Happy Birthday! Same place as before, see you.
Iyon ang nakasulat at alam ko na kung kanino iyon galing dahil sa simbolong nakalagay sa baba. Ibinulsa ko lang iyon at tuluyan ng bumaba, tama nga si mama naghihintay ang mga bisita.
"Happy birthday Sally!" bati nilang lahat.
"Salamat." Naupo ako sa tabi ni Matt, agad din naman akong inasikaso ni Mama. Ang ilang mga kaklase namin ay narito pati na rin ang ilang kasama namin sa hukbo. Tinaasan ko ng kilay si Kris dahil kanina pa ito titig na titig sa akin.
Lumingon siya sa gawi nila tita Alma at Mama bago bumaling sa akin. "Paano mo nagawa iyon? Anong nilalang ka Sally?" Nasamid bigla si Matt at sinuway si Kris na huwag magtanong ng ganoon.
"Anong ibig mong sabihin? Nagawa ang alin?"
"Wala Sally. Nabibilib lamang si Kris dahil sa tapang mo kagabi at kung paano mo nakikita ang mga simbolo." Tumingin ako kay Kris para makumpirma kung totoo ba ang sinasabi ni Matt o isang panakip lang ito. Nakangiting tumango-tango si Kris sa akin.
"Hindi ko rin alam kung paano ko nakikita, basta kagabi nakita ko na lang na kumikinang sila sa dilim."
"Ang weird hindi ko alam kung ano ka pero hayaan mo na HAHAHA. Happy Birthday Sally, ang sarap ng luto ng Mama at Tita mo." Ani niya ng tumatawa.
"Siyempre, hala kumain ka pa."
Hinintay kong makaalis ang mga bisita bago ako nagpaalam kay Mama na aalis.
"Saan ka naman paroroon Sally?"
"Diyan nga lang ho Ma babalik rin naman ako kaagad."
"Huwag kang magpapaabot ng takip silim huh"
Tumungo ako at tuluyan ng nagtungo sa lugar na iyon. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating agad sa lugar. Ngunit wala akong dinatnan. Tahimik ang paligid at walang bakas ng sinuman. Napabuntong hininga ako.
"Siguro ay umalis na siya."
Huli na rin kasi sa usapang oras namin kaya hindi malabong lumisan na ito.
YOU ARE READING
SHADE OF YOU:The Secret of Darkness
VampirosAng mundong hindi sakop ng mapa. Maraming nagmamasid na mga mata. Pagkakamali ang manatili sa dilim. Kasalanan naman kung tatawirin. Ang pag-ibig niya'y hindi maaari. Dahil kailanma'y hindi nagsama ang dilim at liwanag. Kuryosidad ang papatay sa lah...